Diocesan Shrine and Parish of St.John Paul II, itinalagang national shrine ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,515 total reads

Ikinatuwa ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pasya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na gawing National Shrine and Diocesan Shrine and Parish of St John Paul II sa Hermosa Bataan.

Inihayag sa Radio Veritas ni Bishop Santos na isang magandang balita ito para sa pamayanan at sa mga deboto ng santo na kilalaning pambansang dambana ang simbahan.

Sinabi ng obispo na tanda ito nang paninindigan ng simbahan na nakahandang tanggapin ang bawat taong nangangailangan ng masisilungan lalo na sa panahon ng kagipitan tulad ng mga biktima ng Indo-Chima Wars na kinupkop ng lalawigan.

“Sa pagkakatalagang National Shrine ipinakikita natin ang pagmamahal sa Diyos at sa kanyang bayan gayundin ito rin ay regalo natin sa Inang simbahan at pagkilala kay St. John Paul II sa kanyang mabubuting halimbawa at pagmimisyon sa Simbahan,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

February 2021 nang pangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pagtalaga ng simbahan bilang pandiyosesanong dambana kasabay ng ika 40 anibersaryo ng pagdalaw ni St. John Paul II sa Bataan noong February 21, 1981 nang bumisita ito sa Pilipinas.

Ayon pa sa Obispo, lalong maging bukas ang simbahan para sa bawat debotong maglakbay at naghahanap na mapapahingaan.

“Kung paano natin tinanggap ang mga refugees na biktima ng indo China wars ay muli nating binibigyang diin ang kahandaang pagtanggap sa mga nangangailangan ng kanlungan sa pamamagitan ng National Shrine,” ani Bishop Santos.

Sa ikalawang araw ng CBCP plenary assembly ay nagkaisa ang mga obispo na italaga ang pambansang dambana bilang pagpupugay sa dating santo papa gayundin ang pagpapalawak ng debosyon at pananampalataya.

“Pasasalamat sa ating mga obispo ng Pilipinas sa kanilang pahintulot at pagsang-ayon na italaga ang Diocesan Shrine of St. John Paul II na maging National Shrine,” saad ng obispo.

Inaasahang dadalo sa pagtatalaga ng National Shrine ang mga taong naging bahagi sa pagbisita noon ni St. John Paul II sa lalawigan gayundin ang mga opisyal ng CBCP sa pangunguna ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at mga opisyal ng pamahalaan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,930 total reads

 23,930 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,700 total reads

 8,700 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,260 total reads

 49,260 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,767 total reads

 76,767 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,032 total reads

 125,032 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,779 total reads

 146,779 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top