Maayos na pagpapatupad ng ROTC, hiling ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,131 total reads

Isulong ang maayos na pagpapatupad ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at pagtutulungan ng pamahalaan upang makamit ang mabuting layuning ng hakbang.

Ito ang mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa posibilidad ng pagpapatupad ng Mandatory ROTC sa Senior High School Levels Grade 11 at 12 kasama ang antas ng kolehiyo.

“Maganda po ang pagsusulong ng ROTC program if they are implemented well: on the different values that are enshrined in the program that would go down to the core of our young people,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Mahalaga din ayon pa sa Obispo ang pagtutulungan ng bawat isang kabilang sa pamahalaan, Local Government Units at mga mamamayan upang maisulong ang pangangalaga sa mental health ng mga kabataan.

Ito ay matapos ihayag ni Department of Defense Acting Secretary Carlito Galvez na sa pamamagitan ng ROTC ay mapapatibay ang moral, pamumuno at katibayan ng loob na tutulong naman sa pagpapatibay ng mental health ng kabataan.

Upang matiyak naman ang pagiwas o pagwawaksi sa marahas na pamamaraan ng hazing at bullying sa hanay ng mga estudyante ay mahalaga din ang mahigpit na pagbabantay ng mga institusyon o paaralan kung saan idadaos ang ROTC.

Ito ay upang matulungan ang Department of Defense at iba pang sangay ng pamahalaan na mapangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante laban sa hazing kung matutuloy ang Mandatory ROTC.

Patuloy naman ang senado sa pagdaraos ng mga pagdinig upang talakayin ang pagpapatupad ng ROTC sa mga paaralan sa bansa.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 22,693 total reads

 22,693 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 6,424 total reads

 6,424 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 46,987 total reads

 46,987 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 74,613 total reads

 74,613 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 122,878 total reads

 122,878 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 144,697 total reads

 144,697 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 22,133 total reads

 22,133 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top