Tutukan ang kalidad ng pagtuturo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,248 total reads

Mga Kapanalig, noong school year 2019-2020, may mahigit 800,000 na guro sa ating mga pampublikong paaralan. Kinakatawan nila ang 88% ng mga kawani ng Department of Education (o DepEd). Halos kalahating milyon ang elementary school teachers; 277,000 naman sa junior high school; at hindi bababa sa 61,000 ang nagtuturo sa senior high school. Kulang ang mga bilang na ito, ayon sa Alliance of Concerned Teachers, upang bumabà sa 35 ang class size o bilang ng mga estudyante sa isang klase. Kailangan pa raw ng 147,000 na bagong mga guro upang matiyak na hindi maging mabigat sa mga tagapagturo ang laki ng klase na kanilang hinahawakan.

May isang dahilan kung bakit nahihirapang punan ng DepEd ang kakulangan natin sa mga teachers. 

Ayon sa Philippine Business for Education (o PBEd), isang education advocacy group, lubhang kakaunti ang mga pumapasa sa LET o ang licensure exams for teachers. Mula 2010 hanggang 2022, 37% lamang ang pumapasa sa mga kumukuha ng exam para maging ganap na guro sa elementarya, habang 40% naman para sa mga gustong maging high school teachers.

Mababa rin daw ang passing rate ng mga tinatawag na Teacher Education Institutions (o TEIs) o mga paaralang nag-i-specialize sa paglinang sa mga nais maging guro. Hindi bababà sa kalahati ng mga institusyong ito—o 56%—ang may passing rates na mas mababa sa 12-year national average. Karamihan sa mga institusyong may mababang passing rates ay nasa Mindanao.

Para sa PBEd, sinasalamin ng mga datos na ito ang mga problemang may kinalaman sa mga estudyanteng nais maging guro, sa mga paaralang nagsasanay sa kanila, at sa mismong sistema ng board exams. Anu-ano kaya ang kahinaan ng mga kumukuha ng kursong education na dahilan ng hindi nila pagpasá sa LET? Ano ang sinasabi ng mababang passing rates sa kalidad ng pagtuturo sa mga TEIs? Natututo nga ba talaga ang kanilang mga sinasanay? May kailangan bang baguhin o palakasin sa teacher education curriculum? Itinatanong ba sa exam ang mga itinuturo sa mga gustong maging elementary at high school teachers?

Sabi pa ng PBEd, nakapatong sa balikat ng mga guro ang ating kinabukasan. Ang lahat ng bagay sa ating lipunan, lalo na ang ekonomiyang dapat lumikha ng kabuhayang magbibigay ng maayos na buhay sa mga tao, ay nakasalalay sa kalidad ng ating edukasyon, kabilang ang edukasyong natatanggap ng mga nais maging tagapagturo sa ating kabataan. 

Pinahahalagahan natin sa Simbahan ang papel ng mga guro. Sinabi ni Pope Paul VI sa isa niyang deklarasyon ukol sa Kristiyanong edukasyon na napakahalaga ng bokasyon ng mga guro. Sila ang katuwang ng mga magulang sa pagganap nila sa kanilang tungkuling bigyang-kaalaman ang mga bata. Isa nga itong bokasyong nangangailangan ng “special qualities of mind and heart,” espesyal na kalidad ng isip at puso. Isa itong bokasyong nangangailangan ng maingat na paghahanda at tuluy-tuloy na kahandaang maging mas mahusay at marunong umangkop sa panahon. 

Kaya mahalagang pagtuunan ng pansin ang kalidad ng pagtuturo sa mga guro at sa mga nais maging guro. Sa kanilang pag-aaral pa lamang, dapat na silang mabigyan ng pagsasanay upang maging mahusay at epektibo sa bokasyong nais nilang pasukin. Dapat mahubog hindi lamang ang kanilang kaisipan kundi pati ang kanilang kalooban nang tunay na matuto ang kabataang kanilang sasamahan sa paglalakbay sa buhay. Nakaatang ang mga gawaing ito sa ating gobyernong nagpapasuweldo sa mga teachers.  

Mga Kapanalig, hindi sapat ang pagbibigay-pugay sa mga tinagurian nating ikalawang magulang ng ating mga anak. Ang kailangan nila ay suporta upang mapaghusay ng mga “tumanggap ng kaloob sa pagtuturo,” ‘ika nga sa sulat ni San Pablo sa mga Taga-Roma 12:6-7, ang kanilang pipiliin o piniling bokasyon. 

Sumainyo ang katotohanan. 

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,013 total reads

 22,013 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,140 total reads

 22,140 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,328 total reads

 39,328 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,734 total reads

 95,734 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,235 total reads

 219,235 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,661 total reads

 302,661 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,329 total reads

 39,329 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,735 total reads

 95,735 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,236 total reads

 219,236 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top