Pakikiisa ng mamamayan, hiniling ng Kura Paroko ng Banal na Sakramento Parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,630 total views

Hiniling ng pamunuan ng Banal na Sakramento Parish sa pamayanan ang pakikiisa sa lahat ng programa ng simbahan at maging aktibong kasapi ng pamayanan.

Ito ang mensahe ni Fr. Victor Emmanuel Clemen, kura paroko ng parokya sa pagtatalaga ng dambana ng simbahan sa Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Fr. Clemen na mahalaga ang pakikiisa ng mananampalataya sa paglago ng Simbahan lalo na ng mga parokya.

“Itong dedication ng simbahan ay mahalagang gawain sa local churches, kaya sa mga parishioners sana maging active tayo sa ating community, ipakita natin na buhay ang simbahan lalo sa mga charity at spiritual works,” pahayag ni Fr. Clemen sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na sa mahigit apat na dekada ng parokya ay patuloy ang paglago nito bilang Kristiyanong pamayanan at tiniyak ang pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa espiritwalidad ng nasasakupan.

“So far active ang iba’t ibang mandated religious organizations dito sa parokya as well as the BECs (Basic Ecclesial Communities), maraming tao ang nagsisimba at ipinakita ang kanilang suporta,” ani Fr. Clemen.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pagtalaga ng simbahan kasama si Bishop Emeritus Antonio Tobias, mga bisitang pari mula sa iba’t ibang parokya ng diyosesis at pamayanan ng Barangay Talipapa sa Quezon City kung saan nasasakop ang parokya.

Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 18,316 total views

 18,316 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 113,374 total views

 113,374 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 135,437 total views

 135,437 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 150,716 total views

 150,716 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 155,560 total views

 155,560 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top