Tutukan ang kalidad ng pagtuturo

SHARE THE TRUTH

 395 total views

Mga Kapanalig, noong school year 2019-2020, may mahigit 800,000 na guro sa ating mga pampublikong paaralan. Kinakatawan nila ang 88% ng mga kawani ng Department of Education (o DepEd). Halos kalahating milyon ang elementary school teachers; 277,000 naman sa junior high school; at hindi bababa sa 61,000 ang nagtuturo sa senior high school. Kulang ang mga bilang na ito, ayon sa Alliance of Concerned Teachers, upang bumabà sa 35 ang class size o bilang ng mga estudyante sa isang klase. Kailangan pa raw ng 147,000 na bagong mga guro upang matiyak na hindi maging mabigat sa mga tagapagturo ang laki ng klase na kanilang hinahawakan.

May isang dahilan kung bakit nahihirapang punan ng DepEd ang kakulangan natin sa mga teachers. 

Ayon sa Philippine Business for Education (o PBEd), isang education advocacy group, lubhang kakaunti ang mga pumapasa sa LET o ang licensure exams for teachers. Mula 2010 hanggang 2022, 37% lamang ang pumapasa sa mga kumukuha ng exam para maging ganap na guro sa elementarya, habang 40% naman para sa mga gustong maging high school teachers.

Mababa rin daw ang passing rate ng mga tinatawag na Teacher Education Institutions (o TEIs) o mga paaralang nag-i-specialize sa paglinang sa mga nais maging guro. Hindi bababà sa kalahati ng mga institusyong ito—o 56%—ang may passing rates na mas mababa sa 12-year national average. Karamihan sa mga institusyong may mababang passing rates ay nasa Mindanao.

Para sa PBEd, sinasalamin ng mga datos na ito ang mga problemang may kinalaman sa mga estudyanteng nais maging guro, sa mga paaralang nagsasanay sa kanila, at sa mismong sistema ng board exams. Anu-ano kaya ang kahinaan ng mga kumukuha ng kursong education na dahilan ng hindi nila pagpasá sa LET? Ano ang sinasabi ng mababang passing rates sa kalidad ng pagtuturo sa mga TEIs? Natututo nga ba talaga ang kanilang mga sinasanay? May kailangan bang baguhin o palakasin sa teacher education curriculum? Itinatanong ba sa exam ang mga itinuturo sa mga gustong maging elementary at high school teachers?

Sabi pa ng PBEd, nakapatong sa balikat ng mga guro ang ating kinabukasan. Ang lahat ng bagay sa ating lipunan, lalo na ang ekonomiyang dapat lumikha ng kabuhayang magbibigay ng maayos na buhay sa mga tao, ay nakasalalay sa kalidad ng ating edukasyon, kabilang ang edukasyong natatanggap ng mga nais maging tagapagturo sa ating kabataan. 

Pinahahalagahan natin sa Simbahan ang papel ng mga guro. Sinabi ni Pope Paul VI sa isa niyang deklarasyon ukol sa Kristiyanong edukasyon na napakahalaga ng bokasyon ng mga guro. Sila ang katuwang ng mga magulang sa pagganap nila sa kanilang tungkuling bigyang-kaalaman ang mga bata. Isa nga itong bokasyong nangangailangan ng “special qualities of mind and heart,” espesyal na kalidad ng isip at puso. Isa itong bokasyong nangangailangan ng maingat na paghahanda at tuluy-tuloy na kahandaang maging mas mahusay at marunong umangkop sa panahon. 

Kaya mahalagang pagtuunan ng pansin ang kalidad ng pagtuturo sa mga guro at sa mga nais maging guro. Sa kanilang pag-aaral pa lamang, dapat na silang mabigyan ng pagsasanay upang maging mahusay at epektibo sa bokasyong nais nilang pasukin. Dapat mahubog hindi lamang ang kanilang kaisipan kundi pati ang kanilang kalooban nang tunay na matuto ang kabataang kanilang sasamahan sa paglalakbay sa buhay. Nakaatang ang mga gawaing ito sa ating gobyernong nagpapasuweldo sa mga teachers 

Mga Kapanalig, hindi sapat ang pagbibigay-pugay sa mga tinagurian nating ikalawang magulang ng ating mga anak. Ang kailangan nila ay suporta upang mapaghusay ng mga “tumanggap ng kaloob sa pagtuturo,” ‘ika nga sa sulat ni San Pablo sa mga Taga-Roma 12:6-7, ang kanilang pipiliin o piniling bokasyon. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 18,980 total views

 18,980 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 23,225 total views

 23,225 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 30,140 total views

 30,140 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 45,518 total views

 45,518 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 57,942 total views

 57,942 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 18,981 total views

 18,981 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 23,226 total views

 23,226 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 30,141 total views

 30,141 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 45,519 total views

 45,519 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 57,943 total views

 57,943 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 57,173 total views

 57,173 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 58,379 total views

 58,379 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 68,370 total views

 68,370 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 53,755 total views

 53,755 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 68,514 total views

 68,514 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 59,008 total views

 59,008 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 78,405 total views

 78,405 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 89,520 total views

 89,520 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 93,441 total views

 93,441 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 76,368 total views

 76,368 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top