Huwag mag-aksaya ng pagkain, paalala ng simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 130,106 total reads

Pinalalahan ng Simbahang Katolika ang mamamayan na huwag mag-aksaya ng pagkain at gumawa ng pagtulong sa mga nagugutom lalo na ngayong Panahon ng Kuwaresma.

Ito ang inihayag ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual kaugnay sa suliranin ng Pilipinas sa mataas na bilang ng mga kabataang malnourished at mga pamilya na walang kakayanang kumain ng tatlong beses kada araw.

Kasabay ng paglulunsad ng grupong Scholars of Sustenance o SOS sa Pilipinas kung saan isa si Fr. Pascual sa mga pangunahing panauhin, sinabi nito na handa ang Simbahang Katolika na makipagtulungan sa gobyerno o iba’t-ibang grupo upang sugpuin sa suliranin sa pagkagutom.

“Alam natin nasa 30% ng mga bata ay malnourished, sila ay nasa 5 years old and below. [Dapat] mabigyan ng tugon ang kagutuman sa pamamagitan ng kawang-gawa ng iba’t-ibang sektor. Sa pamumuno ng gobyerno, nariyan ang Caritas Manila, nariyan din ang mga Corporate Foundation na pwedeng magtulong-tulong at maiwasan natin ang pagtatapon ng pagkain.” pahayag ni Fr. Pascual

Inihayag ng Pari na ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng kawang-gawa kung saan sa pamamagitan ng pag-aayuno o fasting ay maaring makatulong naman sa mga nagugutom.

“yung Almsgiving po ay isang napakagandang paraan ng pagbabalik loob sa Diyos at ibigay po natin ito sa mga Simbahan tulad ng Caritas Manila, na malikom ang inyong mga pondo o mga in kind [donations] at itulong po natin sa mga nagugutom at malnourished na mga bata sa panahong ito” paghihikayat ni Fr. Pascual.

Ipinaalala din ni Fr. Pascual ang naging pahayag ni Pope Francis laban sa ‘throw away culture’.

Magugunitang minsang sinabi ng Santo Papa na isang kahihiyan o pagmamalabis sa mga mahihirap ang pag-aaksaya ng pagkain sapagkat marami ang nagugutom at walang kakayanan na kumain ng sapat.

“Ang kagutuman at malnutrisyon ay hindi dapat nakikita sa isang sibilisadong bansa at sa isang Kristiyanong bansa tulad ng Pilipinas. kaya’t kailangan tayong magtulungan.”dagdag pa na paalala ni Fr. Pascual.

batay sa datos ng DOST- Food and Nutrition Research Institute, umaabot sa 1,717 metric tons ng pagkain ang nasasayang kada araw sa Pilipinas sa kabila ng aabot sa tatlong milyong mga Pilipino ang nakakaranas ng kagutuman o pagkain lamang ng isang beses kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 59,087 total reads

 59,087 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 95,256 total reads

 95,256 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 130,555 total reads

 130,555 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 356,826 total reads

 356,826 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 246,946 total reads

 246,946 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,416 total reads

 111,416 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top