Red-tagging kay Bishop Alminaza kinundena ng Living Laudato Si

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,928 total reads

Kinundina ng Living Laudato Si’ Philippines ang red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamamagitan ng istasyon ng SMNI.

Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag ay pinuna ng organisasyon ang maling paratang at pag-uugnay kay Bishop Alminaza na nagsusulong ng ideyolohiya ng mga komunistang grupo sa bansa matapos manawagan ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ang Obispo sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon sa LLS Philippines, ang patuloy na ginagawang red-tagging ng NTF-ELCAC lalo na sa mga indibidwal na may dalisay na intensyon at pagnanais na isulong ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

“Living Laudato Si’ Philippines condemns the malicious and outright red-tagging of NTF-ELCAC agains Bishop Gerardo “Gerry” Alminaza of the Roman Catholic Diocese of San Carlos. NTF-ELCAC twisted the calls of Bishop Alminaza for peace and resumption of peace talks saying that this is a “mouthpiece” of the CPP-NDA-NDF. This is not the first time NTF-ELCAC issued such dangerous claims against leaders who want people-centered development and genuine change for all – humanity and ecology alike… Continued red-tagging of the NTF-ELCAC proves nothing but political shortsightedness and apathy to human-beings.”pahayag ng Living Laudato Si’ Philippines.

Ipinaliwanag ng organisasyon na walang masamang intensyon si Bishop Alminaza sa panawagang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan at kalayaan lalo na ng mga matatandang political prisoners.

“As lay people of the church, LLS Philippines sees no threat or danger to Bishop Alminaza’s calls for peace and freedom of political prisoners, especially those who are elderly. This will intensify the peace negotiations between the armed revolutionaries and the Philippine government, putting a stop to a long, bloody revolt toward freedom.” Dagdag pa ng Living Laudato Si’ Philippines.

Tiniyak ng Living Laudato Si’ Philippines kay Bishop Alminaza ang suporata ng organisasyon sa kanyang mga adbokasiya at misyon.
Binigyang diin ng Living Laudato Si’ Philippines na kailangang mapanagot ang NTF-ELCAC kaugnay sa patuloy nitong ginagawang pagpapakalat ng mga maling impormasyon at red-tagging sa iba’t ibang indibidwal, mga kritiko ng pamahalaan at maging mga opisyal ng Simbahan na nagsusulong ng katarungan, katotohanan at kaayusan sa lipunan.

“We join the call of Bishop Gerry Alminaza for continued peace talks and the release of all political prisoners in pursuit of just and lasting peace that will lead to a systemic change in the country. NTF-ELCAC should be held accountable to falsifying statements such as this and for outright red-tagging of church people who fight for justice, truth, mercy and compassion. We must hold the line. There is no environmental justice without human rights!” Ayon sa Living Laudato Si’ Philippines.

Si Bishop Alminaza na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace ay kilala sa kanyang aktibong mga adbokasiya at paninindigan kaugnay sa iba’t ibang mga usaping panlipunan partikular na sa pangangalaga ng kalikasan, pagkamit ng ganap na kapayapaan at paglaban sa kawalan ng katarungan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 10,052 total reads

 10,052 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 48,555 total reads

 48,555 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 66,763 total reads

 66,763 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 151,093 total reads

 151,093 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 187,961 total reads

 187,961 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 36,572 total reads

 36,572 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top