Patuloy ang panawagan ng mga katutubo

SHARE THE TRUTH

 918 total views

Mga Kapanalig, siyam na araw ang inilaan ng mahigit-kumulang 300 katutubong Dumagat-Remontado sa kanilang “alay-lakad” upang tutulan ang Kaliwa Dam. Kasama ang iba pang mga environmental groups at mga magsasaka’t mangingisda, payapa silang naglakad mula sa bayan ng General Nakar, Quezon Province patungong Malacañang. Ginawa nila ito upang kunin ang atensyon ng mga kinauukulan na ipahinto ang konstruksyon ng naturang dam. Panganib daw ang dala nito sa buhay, kabuhayan, at tahanan ng libu-libong residente at mga katutubo.  

Ang Kaliwa Dam ay ang proyekto ng dating administrasyong Duterte na naglalayong tugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig sa Kamaynilaan. Ito man ay sinasabing mapakikinabangan ng mga nasa Metro Manila, ilalagay nito sa panganib ang maraming uri ng mga halaman at hayop na nananahan sa Sierra Madre. Mawawalan ang maraming katutubo ng kanilang ancestral land o lupang ninuno, kabuhayan, at kultura. May posibilidad din ng pagbaha sa mabababang lugar malapit sa pagtatayuan ng Kaliwa Dam. Balot din ng kontrobersya ang proseso ng pagkuha ng Free Prior and Informed Consent ng National Commission on Indigenous Peoples (o NCIP) at ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (o MWSS) mula sa mga katutubo.

Kaya naman ang isinagawang alay-lakad ay panawagan ng mga katutubo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pag-isipan ang proyekto. Sa kasamaang palad, matapos ang hirap at pagod mula sa siyam na araw na paglalakad sa ilalim ng tirik na araw, lamig ng hangin, at ulan, bigo ang mga katutubong makaharap si PBBM.

Hindi ipinagkakait ng mga katutubo ang kanilang yamang-tubig. Ngunit malinaw ang hiling at panawagan ng mga katutubo: hindi dapat magdulot ng panganib sa mga lokal na residente ng Rizal at Quezon ang paglutas sa krisis sa tubig sa Metro Manila. Hindi rin dapat maging dahilan ang proyekto ng pagkasira ng kagubatan sa Sierra Madre na nagsisilbing lungs o baga ng Luzon at sumasangga sa dumadaang mga bagyo. Kung susumahin ang lahat ng pinsalang idudulot ng pagpapatayo ng Kaliwa Dam, masasabi bang sulit ang 12.2 bilyon pisong utang ng Pilipinas sa Tsina na babayaran ng bawat Pilipino sa loob ng maraming taon? Mahalagang suriin at pag-isipan ng bawat isa sa atin ang dalang pangmatagalan at negatibong epekto ng Kaliwa Dam. Walang halaga ng pera ang makatutumbas sa yaman ng kalikasan at kultura ng ating mga kapatid na katutubo.  

Mga Kapanalig, ating pakinggan sa halip na husgahan ang hinaing ng mga katutubong Dumagat. Imulat natin ang ating mga mata sa mga isyung kinahaharap nila. Katulad ng sinabi ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, bilang isang komunidad, mayroon tayong obligasyong tiyakin na ang bawat tao ay nabubuhay nang may dignidad at may patas na oportunidad para sa kanyang kabuuang kaunlaran.3 Hindi natin tinututulan ang mga pagsisikap na makakuha ng sapat na tubig para sa mga lungsod at komunidad, ngunit maaari naman itong mangyari nang walang ginigipit na mga katutubo. Maaari itong gawin nang may paggalang sa kanilang mga karapatan at kapaligiran. May mga alternatibong mapagkukunan ng suplay ng tubig nang hindi napapahamak at nagagambala ang buhay ng mga residente sa kanayunan. Tanungin natin ang ating sarili kung kailangan bang may mawalan ng kabuhayan at kultura para lang mapunan ang ating mga pangangailangan katulad ng tubig. 

Mga Kapanalig, ang sakripisyong ginawa ng mga kapatid nating katutubo sa kanilang alay-lakad ay hindi lamang para sa kanila. Para ito sa marami pang Pilipino, at para sa susunod na henerasyon. Gaya ng paalala sa Kawikaan 31:9, ipagtanggol [natin] ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan. Hindi maaaring wala tayong malasakit sa nagdurusa’t naghihirap, sapagkat bilang Kristiyano, mayroon tayong responsibilidad para sa lahat ng mga mahihina at naisasantabi, silang dapat bigyan ng espasyo sa lipunan.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malnutrisyon

 8,531 total views

 8,531 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 12,893 total views

 12,893 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 23,485 total views

 23,485 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 31,709 total views

 31,709 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 37,555 total views

 37,555 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 8,532 total views

 8,532 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 12,894 total views

 12,894 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 23,486 total views

 23,486 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 31,710 total views

 31,710 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 37,556 total views

 37,556 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 44,297 total views

 44,297 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 47,390 total views

 47,390 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 37,095 total views

 37,095 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 37,983 total views

 37,983 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 53,286 total views

 53,286 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 65,695 total views

 65,695 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 60,039 total views

 60,039 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 61,245 total views

 61,245 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 71,236 total views

 71,236 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 56,621 total views

 56,621 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top