“π‘·π’‚π’π’‚π’π’‚π’π’ˆπ’Šπ’ 𝑺𝒂 40 π‘¨π’“π’‚π’˜ 𝑡𝒂 π‘·π’‚π’ˆπ’‰π’‚π’‰π’‚π’π’…π’‚”

SHARE THE TRUTH

 2,048 total reads

Lunes sa Unang Linggo ng 40Araw na Paghahanda | Pebrero 27, 2023

ANG ARAW NI KRISTO HESUS

 168 total reads

Isang Pagninilay Tungkol sa Kinabukasan ng Sangkatauhan

Malapit na naman ang panahon ng Adbiyento. Bagama’t ilang linggo pa bago ito magsimula, nais ko nang ibahagi sa inyo ang pagninilay na ito. Maaari ninyo itong i-save muna at balikan pagdating ng Adbiyento.

Tungkol ito sa Ikalawang Pagparito ni Kristo, pero marahil ay hindi sa paraang nakasanayan nating isipin. Tungkol ito sa isang napakagandang pag-asa: ang pangarap ng Diyos para sa sangkatauhan, at ang kahanga-hangang pagkatao na naghihintay pang lubusang mahayag sa ating lahat.

Ito ang bunga ng aking maagang β€œCoffee with Jesus” ngayong umaga, na hango sa ating unang pagbasa ngayon mula sa Filipos 1:1–11.

Paano kung ang hinihintay nating β€œMuling Pagdating” ni Kristo ay hindi lamang tungkol sa pagbabalik niya sa kaluwalhatian sa katapusan ng panahon? Paano kung tungkol din ito sa ganap na paglitaw ng isang bagong sangkatauhanβ€”isang sangkatauhang lubusan nang nabago ayon sa kanyang larawan?

Ito ang pumasok sa isip ko habang pinagninilayan ko ang sinabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos. Dalawang beses niyang binanggit sa unang kabanata ang darating na β€œAraw ni Kristo Hesus” (Fil 1:6, 10). Buo ang kanyang tiwala na ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawain sa atin ay Siya ring magdadala nito sa kaganapan pagdating ng araw na iyon.

Ano kaya ang mabuting gawaing ito na gustong tapusin ng Diyos?Sa palagay ko, may kinalaman ito sa orihinal na pangarap ng Diyos para sa sangkatauhan.

Sa Aklat ng Genesis, sinasabing nilikha ang tao ayon sa hugis at wangis ng Diyos. Ibig sabihin, nilikha tayo upang maipakita sa ating buhay ang kabutihan, karunungan, kalayaan, at pag-ibig ng Diyos.

Pero sa paglipas ng panahon, nasira natin ang larawang iyon. Sa halip na magmalasakit sa isa’t isa, natuto tayong mang-api. Sa halip na magkaisa, nagkawatak-watak tayo. Sa halip na pangalagaan ang buhay, nakagawa tayo ng mas makabago at mas malulupit na paraan ng pagpatay at pagsira nito.

Kung minsan, para na tayong mga mababangis na hayop sa pakikitungo natin sa kapwa.

Naalala ko tuloy ang isang kakaibang pangitain sa ikapitong kabanata ng Aklat ni Daniel. Nakita ni Daniel ang apat na nakakatakot na halimaw na umaahon mula sa dagat. Kumakatawan ang mga ito sa mga makapangyarihang kaharian at imperyong naghahari sa pamamagitan ng dahas, pananakop, at pang-aapi.

Pero biglang nagbago ang kanyang pangitain. May lumitaw na isang nilalang na inilalarawan bilang β€œisang tulad ng anak ng tao”—ibig sabihin, isang mukhang tao, hindi halimaw. Hindi tulad ng mga mababangis na hayop, ang nilalang na ito ay tumanggap mula sa Diyos ng isang kahariang hindi kailanman magwawakas.

At ito ang nakakatuwa: sa bandang huli, ipinaliwanag ni Daniel na ang kahariang iyon ay ibibigay sa mga banal ng Kataas-taasang Diyosβ€”sa bayan ng Diyos.

Hindi kaya ito isang pangitain tungkol sa sangkatauhang sa wakas ay makakabalik sa tunay nitong pagkatao? Isang mundong hindi na pinaghaharian ng mga taong asal-hayop, kundi ng mga taong marunong nang mamuhay bilang tunay na tao?

Lalong nagiging makabuluhan ang pangitaing ito kapag iniugnay natin kay Hesukristo. Tinawag ni San Pablo si Hesus na β€œBagong Adan”. Ang unang Adan ay kumakatawan sa sangkatauhan sa kasalukuyan nating kalagayanβ€”sugatan ng kasalanan, watak-watak, puno ng takot, sakop ng kamatayan, at laging natutuksong mangibabaw sa kapwa.

Pero ipinakita ni Hesus na may ibang paraan ng pagiging tao. Siya ang Anak ng Diyos na naging tao upang ipakita sa atin kung ano ang tunay na pagkataong lubusang nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos.

At hindi niya balak na Siya lamang ang maging ganoon. Sa Unang Sulat sa mga taga-Corinto, may sinabi si San Pablo na talagang kahanga-hanga:

β€œKung paanong ang katawan ay iisa ngunit binubuo ng maraming bahagi … gayundin naman si Kristo.” (1 Cor 12:12)

Pansinin ninyo. Hindi sinabi ni Pablo, β€œGayundin naman ang Simbahan.” Ang sinabi niya ay β€œGayundin naman si Kristo.”

Ibig sabihin, hindi lamang isang indibidwal si Kristo. Siya ang ulo ng isang katawan na binubuo ng maraming bahagiβ€”mga taong tinawag upang makibahagi sa kanyang buhay at misyon.

Ito ang maaari nating tawaging corporate Christ, o ang Kristong may iisang Katawan na binubuo ng maramiβ€”isang sambayanang natututong mamuhay sa pagkakaisa, pagmamalasakit, at pag-ibig.

Hindi kaya ang tinatawag ni Pablo na β€œAraw ni Kristo Hesus” ay hindi lamang ang araw ng maluwalhating pagbabalik ng Panginoon, kundi ang araw din ng ganap na paghahayag ng kanyang buong Katawan? Ang araw na mahahayag na sa wakas ang bagong sangkatauhang unti-unting hinuhubog ni Kristo sa buong kasaysayan?

Pero paano nga ba mabubuo ang bagong sangkatauhang ito? Ibinigay ni San Pablo ang sagot sa ikalawang kabanata ng Filipos, sa kanyang napakagandang awit tungkol sa pagpapakumbaba at kusang pagbibigay ng sarili ni Kristo. Ang tawag dito sa teolohiya ay kenosis, o pag-aalis ng sarili sa sentro upang magbigay-daan sa pag-ibig.

Bagama’t taglay ni Hesus ang kalagayang maka-Diyos, hindi niya ginamit ang pagiging kapantay ng Diyos para sa sariling kapakinabangan. Sa halip, hinubad niya ang kanyang kaluwalhatian, tinanggap ang kalagayan ng isang alipin, at nagpakumbaba hanggang sa kamatayan sa krus.

At saka lamang nagsalita si Pablo tungkol sa kanyang pagdakila. Baligtad na baligtad ito sa karaniwan nating pag-unawa sa kadakilaan! Para sa atin, ang pagiging dakila ay madalas nangangahulugan ng pag-angat sa ibabaw ng iba, pagkakaroon ng maraming pera, kapangyarihan, impluwensiya, at katanyagan.

Pero ibang daan ang itinuro ni Hesus: nagiging tunay tayong dakila kapag natututo tayong ialay ang ating sarili para sa kapwa. Bago makarating ang sangkatauhan sa kaluwalhatian, kailangan muna nitong matutuhan ang pagpapakumbaba at pagbibigay ng sarili. Bago tayo makibahagi sa kaluwalhatian ni Kristo, kailangan muna nating matutuhang makibahagi sa kanyang malasakit, paglilingkod, pagdurusa, at pag-ibig na handang magsakripisyo.

Marahil ito ang pinakamalalim na kahulugan ng pagtubos.

Hindi inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagtatapon dito at paglikha ng panibagong sangkatauhan mula sa wala. Inililigtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago sa atin mula sa kaibuturan ng ating pagkatao.

Ang lumang pagkataong pinaghaharian ng takot, kasakiman, inggitan, pag-aagawan, at pang-aapi ay kailangang magbigay-daan sa bagong pagkataong marunong makiisa, makiramay, magtaguyod ng katarungan, at magmahal.

At hindi lamang ito usaping panrelihiyon. Kahit ang mga taong hindi relihiyoso o hindi naniniwala sa Diyos ay maaaring maka-relate sa isang napakahalagang tanong na kinakaharap natin ngayon: β€œAnong klaseng mga tao na ba ang unti-unti nating kinahihinatnan?”

Napakalayo na ng narating natin sa teknolohiya. Pero mas naging makatao ba tayo? Kaya na nating makipag-usap sa mga tao sa kabilang panig ng mundo sa loob lamang ng ilang segundo. Pero natuto na ba talaga tayong umunawa sa isa’t isa?

Napakalaki na ng kapangyarihan natin sa kalikasan. Pero natuto na ba tayong gamitin ang kapangyarihang ito nang may pananagutan? Baka ang pinakamalaking krisis natin ngayon ay hindi lamang tungkol sa teknolohiya, ekonomiya, o pulitika. Baka ang tunay nating krisis ay ang unti-unting pagkawala ng ating pagkatao.

Ito ang dahilan kung bakit nagbibigay sa akin ng malaking pag-asa ang binibigyang-diin ni Pope Leo XIV sa kanyang Magnifica Humanitasβ€”ang kahanga-hangang pagkataong kailangan nating muling tuklasin at linangin hanggang sa kaganapan nito.

May isang bagay na tunay na kahanga-hanga sa pagiging tao. Hindi dahil perpekto na tayo, kundi dahil kaya pa nating magbago at maging mas mabuti kaysa sa kasalukuyan nating kalagayan.
Kaya nating piliin ang malasakit sa halip na kalupitan, ang pakikipagkasundo sa halip na paghihiganti, ang pagbibigay sa halip na pagkamakasarili, at ang pakikiisa sa halip na kawalang-pakialam.

Para sa ating mga Kristiyano, si Hesus ay hindi lamang Tagapagligtas na tumutubos sa atin mula sa kasalanan at kamatayan. Siya rin ang nagpapakita sa atin kung ano ang ibig sabihin ng maging tunay na tao. At ang kanyang muling pagkabuhay ang katiyakan mula sa Diyos na ang daan ng pagmamahal at pagbibigay ng sarili, kahit mukhang mahina at talunan sa mata ng mundo, ay hindi isang daang walang patutunguhan.

Kaya para sa akin, ang β€œAraw ni Kristo Hesus” ay isang magandang balita ng pag-asa, hindi isang nakakatakot na babala ng parusa at kapahamakan.

Hindi ito tungkol sa pagkawasak ng mundo o sa paglipol sa sangkatauhan. Tungkol ito sa katuparan ng plano ng Diyos na iligtas at baguhin ang lahat: ang ganap na tagumpay ng buhay laban sa kamatayan, ng pag-ibig laban sa poot, ng pagkakaisa laban sa pagkakawatak-watak, at ng tunay na pagkatao laban sa lahat ng uri ng makahayop na paghahari at pang-aapi.

Siyempre, ang ganap na pagbabagong ito ay biyaya ng Diyos. Hindi natin kayang likhain ang Kaharian ng Diyos sa sarili lamang nating pagsisikap. Pero maaari na tayong makibahagi ngayon pa lamang sa bagong sangkatauhang sinimulan ni Kristo.

Sa bawat pagpapatawad, sa bawat munting gawa ng malasakit, sa bawat matapang na pagtatanggol sa dignidad ng tao, sa bawat pagsisikap na magtaguyod ng kapayapaan sa halip na maghanda para sa digmaanβ€”unti-unti nang isinisilang ang bagong sangkatauhan.

At marahil ito ang magandang pagnilayan natin sa darating na Adbiyento. Hindi lamang tayo naghihintay sa muling pagparito ni Kristo. Hinahayaan din nating unti-unting mahubog si Kristo sa ating pagkatao, bilang mga indibidwal at bilang isang sambayanan, hanggang sa marating ng kanyang Katawan ang kaganapan nito.

Hindi nakatakdang manaig ang mga halimaw sa kinabukasan ng sangkatauhan. Tinitiyak sa atin ng pangitain ni Daniel na hindi ang mga makahayop na imperyo ang may huling salita.

Ang huling salita ay nasa Kanya na naging tao upang matamo ng sangkatauhan ang nilayon ng Diyos sa paglikha sa atin mula pa sa simula. Kaya maaari nating harapin ang kinabukasan nang may pagtitiwala, hindi nang may takot at kawalan ng pag-asa.

Dahil ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawain sa atin ay Siya ring magdadala nito sa kaganapan β€œsa Araw ni Kristo Hesus.” (Fil 1:6)

UNLEARNING OLD HABITS

 176 total reads

Old habits are indeed difficult to unlearn. And nowhere is this perhaps more evident than in the way our House of Representatives continues to deal with the national budget.

In 2013, the Supreme Court declared the congressional pork barrel system unconstitutional. In Belgica v. Ochoa, it ruled against personal lump-sum allocations that legislators could use to choose their own projects, as well as formal and informal arrangements allowing them to participate in implementing the budget.

Yet, more than a decade later, pork barrel politics appears to have survived, assuming different forms and finding new ways of entering the national budget.

Why is this old habit so difficult to break?

I suspect it has much to do with our deeply entrenched politics of patronage, reinforced by political dynasties. When public projects and assistance programs become associated with the generosity of politicians rather than the rights of citizens, public funds become powerful instruments for cultivating political loyalty.

This is why I find the recent findings of the People’s Budget Coalition (PBC) and the young citizen budget-watchers of BetterGov.ph, popularly known as the β€œAngry Nerds,” particularly disturbing.

They have identified four categories of budget allocations vulnerable to political patronage:

1. HARD PORK β€” Infrastructure projects such as roads, bridges, flood control structures, and multipurpose buildings. These become vulnerable to abuse when projects are selected for political reasons rather than actual public need, or when their locations, costs, and specifications cannot be independently verified.

2. SOFT PORK β€” Social assistance programs, including medical, educational, and financial assistance. These are necessary programs, especially for the poor. But they become instruments of patronage when access to assistance depends on politicians’ referrals, recommendations, or endorsements, making citizens feel indebted to politicians for benefits funded by their own taxes.

3. SHADOW PORK β€” Funds hidden, so to speak, in less transparent budget mechanisms, particularly unprogrammed appropriations or standby funds. These may be legitimate when properly authorized and safeguarded, but they become vulnerable to abuse when their purposes and conditions for release are vague.

4. LOCAL PORK β€” Funds distributed to local governments through mechanisms such as the Local Government Support Fund. These can support genuine local development, but become susceptible to patronage when allocations are influenced by political connections rather than transparent and equitable criteria.

These are categories of risk identified by budget watchdogs, not proof that every project or program is corrupt.

According to PBC’s preliminary analysis of the House-approved 2027 budget, nearly 7,000 infrastructure projects worth approximately β‚±190 billion were added without publicly available supporting project documents. Around β‚±172 billion of these additions involved nearly 6,200 DPWH projects.

The House leadership objects to calling these additions β€œinsertions.” They insist that Congress has the constitutional power to introduce amendments to the President’s National Expenditure Program.

Of course it does! Nobody is questioning Congress’s power to scrutinize and amend the proposed budget.

But the power of the purse is not an unlimited power to distribute public funds according to political discretion.

The Constitution gives the President the responsibility to prepare and submit the national budget, Congress the responsibility to deliberate and authorize appropriations, and the Executive the responsibility to implement the approved budget.

In Belgica v. Ochoa, the Supreme Court made clear that legislators cannot be given personal discretionary allocations or exercise executive powers over the implementation of projects. It even prohibited informal arrangements that have substantially the same effect.

And just this October, the Supreme Court again emphasized constitutional limits on congressional budget powers, ruling against increases in appropriations that exceeded the President’s recommended total and invalidating certain provisions governing unprogrammed funds.

These rulings do not mean that every congressional amendment or lump-sum appropriation is unconstitutional. But they remind us that the power to amend is subject to constitutional safeguards.
This is why the PBC findings demand serious examination.

Were these additional projects independently evaluated by the implementing agencies? Who proposed them? What needs assessments and cost estimates justify them? Were legislators effectively given predetermined allocations to distribute among their districts?

And if so, how different would that be, in substance, from the old pork barrel arrangements that the Supreme Court already prohibited?

I am not suggesting that every congressional amendment is corrupt. Many communities genuinely need roads, schools, hospitals, irrigation systems, and social assistance. But precisely because these needs are real, they should never become instruments of political patronage.

The Senate now has an opportunityβ€”and a responsibilityβ€”to demand full disclosure of the proponents, locations, technical specifications, costs, and justifications of the House-added projects. Those that cannot be adequately justified should be removed. If questionable items survive Congress, the President must seriously consider exercising his constitutional veto power.

The Executive, too, must explain whether its own agencies have technically evaluated these additions. It cannot simply defend them on the assumption that they might benefit the public.
Above all, we need to dismantle the culture of patronage that keeps resurrecting pork barrel politics under different names.

Public funds are not the personal generosity of politicians. They are the people’s money, entrusted to public officials for the common good.

Perhaps this is the old habit we most urgently need to unlearn: treating public office as a means of dispensing favors, instead of a responsibility to serve citizens fairly.

I am grateful to the People’s Budget Coalition and the β€œAngry Nerds” for helping us see what is happening to our national budget. Their work reminds us that democracy requires more than elections. It requires informed citizens who continue to watch over how their government exercises power.

As they remind us:

β€œBuwis natin ’to. Boto natin ’to. Budget natin ’to.”

It is time to unlearn the politics of patronageβ€”and relearn the politics of public service.

SINO ANG KALABAN?

 181 total reads

Homiliya para sa Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon

Oktubre 29, 2026
Efeso 6:10–20; Lucas 13:31–35

Ang eksenang parang bumalik sa alaala ko na parang hawig sa eksena sa ating Ebanghelyo ngayon ay noong apostolic visit ni Pope Leo XIV sa Algeria, sa Africa. Habang nasa eroplano, tinanong siya ng mga international press people tungkol sa reaksyon niya sa mga sinabi laban sa kanya ni President Donald Trump.

Bago kasi iyon, binatikos ni President Trump ang Santo Papa, mahina daw ang Papa sa usapin ng kriminalidad at foreign policy. β€œDagdag pa niya, β€œLeo should get his act together as Pope… and focus on being a Great Pope, not a Politician.”

Bakit? Dahil patuloy na nananawagan ang Santo Papa na itigil ang mga digmaan at humanap ng mapayapang paraan ng paglutas sa mga hidwaan.

Ano ang sagot ni Pope Leo kay Trump? β€œI have no fear of the Trump administration.” Pero nilinaw niya, β€œI am not a politician, and I do not want to enter into a debate with him.”

Parang ganiyan din ang eksena sa ating Ebanghelyo.

May ilang Pariseong lumapit kay Jesus at nagbabala: β€œUmalis ka na rito! Binabalaan ka ni Herodes!” Ano ang sagot ni Jesus? β€œSabihin ninyo sa asong-gubat na iyon: patuloy akong magpapalayas ng mga demonyo at magpapagaling ng mga maysakit ngayon at bukas at sa ikatlong araw.”

Ibig sabihin, hindi ako magpapadala sa mga batikos at pananakot niya. Hindi ako titigil sa aking misyon. Ganiyan din ang paninindigan ni Pope Leo bilang apostol ng kapayapaan sa ating panahon.

Tumitindi na naman ngayon ang mga giyera at armadong sagupaan ng mga makapangyarihan bansa sa mundo ngayon. Parang bumabalik na naman ang kaisipang β€œMight is right.” Kung sino ang mas malakas, siya ang masusunod. Matira ang matibay!

Habang lumalaki ang mga badyet para sa militar at pag-aarmas, marami ang nangangambang napapabayaan ang mga esensyal na serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan. Kaya nagpoprotesta ang mga mamamayan, lalo na ang mga kabataan, sa ilang bansa sa Europa.

Pero dito pumapasok ang magandang paalala ni San Pablo sa ating unang pagbasa.

β€œAng pakikipaglaban natin ay hindi laban sa laman at dugo.” Hindi tao ang tunay nating kalaban, kundi ang mga kapangyarihan ng kadiliman, ang mga puwersa ng kasamaan.

Madalas kong sabihin: wala namang taong likas na masama. Pero may mga taong nagpapadala sa masamang espirituβ€”sa kasakiman, galit, takot, paghihiganti at pagkauhaw sa kapangyarihan. At kapag nagpadala tayo sa mga espiritung ito, ang tingin natin sa kapwa ay kalaban na dapat talunin, patahimikin, o lipulin.

Kaya napakahalagang maging spiritually intelligent. Ang tawag dito ay discernmentβ€”ang kakayahang kumilatis kung anong espiritu ang kumikilos sa ating puso, sa ating mga desisyon, at maging sa mga batas at patakaran sa ating lipunan.

Kaya nga sabi ni San Pablo, isuot natin ang baluti (armor) ng Diyos: katotohanan, katarungan, pananampalataya, at ang Ebanghelyo ng kapayapaan.

Pansinin ninyo: hindi mga sandatang pamatay ang ipinadadala sa atin ni San Pablo, kundi mga ispiritwal na sandatang panlaban sa kasamaan.

Mga kapatid, hindi natin kailangang kamuhian ang tao para labanan ang kasamaan. Maaari nating tutulan ang mali nang hindi kinamumuhian ang gumagawa nito. Maaari tayong manindigan sa katotohanan nang hindi nagiging marahas.

Kaya sa tuwing may haharapin tayong labanan, itanong natin: Sino ba talaga ang kalaban ko? Ang taong kaharap ko? O ang masamang espiritung gustong maghari sa puso naming dalawa?

Dahil ang tunay na tagumpay ng Kristiyano ay hindi ang pagkawasak ng kalaban, kundi ang pagkatalo ng kasamaan at ang pagkapanalo ng kabutihan sa puso ng tao, sa ating mga ugnayan, mga pamayanan at mga kalakarang panlipunan at pandaigdigan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 41,416 total reads

 41,416 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More Β»

Bunga ng araw-araw na karahasan

 75,543 total reads

 75,543 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More Β»

Umaalis ang mga nars

 131,949 total reads

 131,949 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: β€œNapakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? β€œNag-a-abroad

Read More Β»

MADALDAL KULANG SA GAWA

 253,474 total reads

 253,474 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More Β»

Watch Live

RELATED TOPICS

LINGGO, HULYO 7, 2024

 356,441 total reads

 356,441 total reads Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Ezekiel 2, 2-5 Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4 Mata nami’y nakatuon sa awa ng Panginoon. 2

Read More Β»

𝐒𝐭. π…π«πšπ§πœπžπ¬ 𝐨𝐟 π‘π¨π¦πž

 400,020 total reads

 400,020 total reads 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐭𝐑𝐞 π’πšπ’π§π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 πƒπšπ²: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 π…πšπ’π­π‘ 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐒𝐫𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ— β€’ 𝐒𝐭. π…π«πšπ§πœπžπ¬ 𝐨𝐟 π‘π¨π¦πž ππ‘π€π˜π„π‘ Saint Frances of

Read More Β»

𝐒𝐭. 𝐉𝐨𝐑𝐧 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐝

 400,048 total reads

 400,048 total reads 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐭𝐑𝐞 π’πšπ’π§π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 πƒπšπ²: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 π…πšπ’π­π‘ 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐒𝐫𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ– β€’ 𝐒𝐭. 𝐉𝐨𝐑𝐧 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐝 ππ‘π€π˜π„π‘ 𝘚𝘒π˜ͺ𝘯𝘡 π˜‘π˜°π˜©π˜― 𝘰𝘧

Read More Β»

𝐒𝐭. 𝐂𝐨π₯𝐞𝐭𝐭𝐞

 400,027 total reads

 400,027 total reads 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐭𝐑𝐞 π’πšπ’π§π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 πƒπšπ²: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 π…πšπ’π­π‘ 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐒𝐫𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ” β€’ 𝐒𝐭. 𝐂𝐨π₯𝐞𝐭𝐭𝐞 ππ‘π€π˜π„π‘ 𝘐 𝘒𝘴𝘬 𝘺𝘰𝘢 𝘡𝘰 π˜ͺ𝘯𝘡𝘦𝘳𝘀𝘦π˜₯𝘦

Read More Β»

𝐒𝐭. 𝐎π₯𝐒𝐯𝐚

 400,039 total reads

 400,039 total reads 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐭𝐑𝐞 π’πšπ’π§π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 πƒπšπ²: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 π…πšπ’π­π‘ 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐒𝐫𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ“ β€’ 𝐒𝐭. 𝐎π₯𝐒𝐯𝐚 ππ‘π€π˜π„π‘ π˜– 𝘚𝘒π˜ͺ𝘯𝘡 π˜–π˜­π˜ͺ𝘷π˜ͺ𝘒, 𝘱𝘒𝘡𝘳𝘰𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘰𝘧

Read More Β»

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top