Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,754 total reads

Homiliya para sa Huwebes sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 02 Mar 2023, Mt 7,7-12

Minsan may nagreact sa Gospel reading natin. Sabi niya sa akin, “Parang hindi naman totoo ang sabi ni Jesus… Ang daming beses ko nang humingi, hindi ako binigyan…humanap pero wala akong natagpuan…kumatok at hindi ako pinagbuksan.”

May sikreto bang itinuturo si Hesus tungkol sa panalangin bilang paghingi, paghahanap at pagkatok? Palagay ko meron. Na kailangang makita muna natin ang kaugnayan ng tatlo.

Kung hindi ka pinagbubuksan, baka maling pinto ang kinakatukan mo. Kung hindi ka nakatatagpo, baka maling lugar ang hinahanapan mo. Kung hindi ka binibigyan, baka mali ang hinihingan mo.

Sa ating first reading, nagdasal daw nang marubdob si Esther. Bago siya humingi, humanap at kumatok, tiniyak muna niya ang hinihingan, hinahanapan at kinakatukan niya. Ang summary ng panalangin niya ay parang ganito ang sinasabi, “Panginoon, bukod-tanging ikaw lang ang Diyos na simula’t sapul ay dinadasalan ng aking mga ninuno. Lagi kang nariyan para sa kanila. Wala silang hiniling na hindi mo pinagbigyan, hinanap na hindi nila natagpuan. Walang panahon na ikaw ay kanilang kinatukan at hindi mo sila pinagbuksan.” (Esther C:14-16)

Di kaya dapat, sa simula ng bawat panalangin ay itanong muna natin, “Kanino ba ako kumakatok?” Baka kasi sa maling pinto. “Saan ako naghahanap?” Baka kasi sa maling lugar. “Ano ang hinihingi ko?” Baka kasi hindi makabubuti sa akin.

Pwede nating palitan ang sinabi ni Hesus tungkol sa Ama na hindi makatitiis sa anak niya (Mt 7,9-10). “Sinong ama ang magbibigay sa anak niya, kung imbes na tinapay bato ang hinihingi nito? O imbes na itlog, alakdan ang hinihiling ng anak niya?” O sa modernong sitwasyon, “Sinong ama ang magbibigay kung imbes na edukasyon, baril o alak o droga ang gusto ng anak niya na bigyan siya?”

Hindi magbibigay ang isang mabuting ama ng bagay na makasasama sa anak niya, di ba? Sabi nga sa ebanghelyo, “Kung kayong masasama ay marunong magbigay sa mga anak ninyo ng mabuting bagay, ang Diyos pa kaya?” (Mt 7,11). Kaya magandang itanong, “Mabuti ba ang hinihingi ko?”

Bahagi ng aral sa pananalangin ay ang matutong humiling nang tama. Si Haring Solomon, sinabihan daw siyang minsan na pagbibigyan ng Diyos ang anumang hilingin niya. (1 Kngs 3:5) Nang humiling siya, ikinatuwa daw ng Diyos ang hiniling niya: hindi kayamanan o paghihiganti sa kaaway kundi karunungan. (1 Kngs 3,11)

Para bang sinabihan siya ng Diyos, “Solomon, humiling ka ngayon at pagbibigyan kita.” At ang sagot ni Solomon ay, “Panginoon, ang hiling ko po ay ang MATUTO AKONG HUMILING NANG TAMA, humiling ng tunay na makabubuti sa bayang pinagkatiwala mo sa aking pamumuno. Humiling na sana masunod ko ang kalooban mo. Sino ba’ng mas nakaaalam ng makabubuti sa akin, kundi ikaw, Panginoon?”

Hindi nga ba ang pinakabuod ng panalanging itinuro ni Hesus ay SUNDIN ANG LOOB MO? (Mt 6,10) Ganoon pala, e ba’t tinuturuan pa niya tayong humiling? Kasi, ang malaking bahagi ng katuparan ng ating panalangin ay nakasalalay din sa atin. Tinuturuan niya tayong humingi, humanap at kumatok dahil ibig ng Diyos na matuklasan natin ang kalooban niya, na matutuhan nating yakapin ito bilang kalooban din natin. Sa pagyakap natin sa loob niya, lumalakas ang loob natin. Kung wala akong loloobin kundi ang niloloob ng Diyos para sa akin, tiyak na mapagbibigyan ito. Kung alam ko na siya talaga ang kinakatukan ko sigurado akong mapagbubuksan ako.

Sa pananalangin pala, hindi ang hinihiling ang pinakamahalaga, hindi ang ano kundi ang sino—ang hinihingan, hinahanapan, at kinakatukan. Ang panalangin ay isang relasyon na may ipinapalagay: na mahal tayo ng Diyos at tinuturuan niya tayong magmahal na katulad niya. Na tulad ng sinabi sa dulo ng ebanghelyo, “gagawin ko rin sa kapwa ang gusto kong gawin niya para sa akin.” (Mt 7, 12). Dahil sa maraming mga sandali sa buhay natin, sasagutin ng Diyos ang panalangin natin sa pamamagitan ng iba; at sasagutin din niya ang panalangin ng iba sa pamamagitan natin.

Madalas, kapag nararanasan na natin ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng malasakit ng kapwa sa atin, aantigin din niya ang malasakit natin upang maiparanas naman niya sa kapwa ang pag-ibig niya sa pamamagitan natin.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,483 total reads

 20,483 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,610 total reads

 20,610 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,998 total reads

 36,998 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,404 total reads

 93,404 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,905 total reads

 216,905 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,475 total reads

 300,475 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THANK GOD FOR THE “ANGRY NERDS”!

 4,580 total reads

 4,580 total reads At a time when many Filipinos are becoming cynical about politics and losing hope in our democratic institutions, people like Ken Abante and

Read More »

PAKIKIPAGKAPWA-TAO

 9,020 total reads

 9,020 total reads Homiliya para sa Ika-30 Linggo ng Karaniwang Panahon Ika-25 ng Oktubre 2026 Ebanghelyo: Mateo 22:34–40 May ikukuwento muna ako sa inyo. Nangyari ito

Read More »

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 14,261 total reads

 14,261 total reads Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly

Read More »
Scroll to Top