Iglesia Filipina Independiente, nagpahayag ng paghanga kay Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,285 total reads

Nagpahayag ng paghanga ang Iglesia Filipina Independiente sa matapang at paninindigan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na isulong ang kapayapaan at katarungan sa kabila ng anumang banta ng pag-atake at red-tagging na kanyang naranasan.

Ayon sa Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente, kahanga-hanga ang determinasyon ni Bishop Alminaza na patuloy na magsilbing boses ng mga biktima ng kawalan ng katarungan, kahirapan at pang-aabuso sa lipunan.

Binigyang pagkilala rin ng Iglesia Filipina Independiente ang matapang na paninindigan ni Bishop Alminaza para sa katotohanan bilang isa sa mga pinuno ng Simbahan sa bansa kasabay ng patuloy na pagpapahayag ng ebanghelyo ng Panginoon.

“We know and laud on the sincerity and commitment of Bp Gerry Alminaza to advocate for justice and peace in the name of countless victims of injustice, poverty and abuse in our land. We thank Bp. Gerry for his bold stance in speaking for the truth and standing as among church leaders in this country whose passion to preach the liberating gospel of the Lord Jesus is beyond question.” Ang bahagi ng pahayag ng Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente.

Kinundina naman ng Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente ang programa at estasyon ng SMNI na tahasang nag-red-tag at nag-ugnay kay Bishop Alminaza sa mga komunistang grupo sa bansa.

Iginiit ng pinuno ng denominasyon na hindi katanggap-tanggap ang patuloy na pagpapalaganap ng mga maling impormasyon ng naturang estasyon lalo na laban sa mga lingkod ng Simbahan na bahagi ng misyon na iniatang ng Panginoon ang pagsusulong ng katarungan, kapayapaan at karapatang pantao ng bawat mamamayan.

“We denounce the SMNI’s television program ‘Laban Kasama ang Bayan’ incessant practice of red-tagging, maligning and attacking churches and church-people because of their commitment and passion to work for the Lord’s gospel that mandates the reign of justice and peace and the defense of human dignity. The IFI in fact has not been spared by these red-tagging, vilification and attacks perpetuated by people with questionable character behind this highly pretentious media outfit.” Dagdag pa ng Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente.

Una ng nagpaabot ng pasasalamat si Bishop Alminaza na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace sa lahat ng mga organisasyon, institusyon at indibidwal na patuloy na nagpapahayag ng suporta para sa kanyang misyon at adbokasiya kasunod ng naging red-tagging ng isang programa ng SMNI noong ika-22 ng Pebrero, 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 57,899 total reads

 57,899 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 107,004 total reads

 107,004 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 154,876 total reads

 154,876 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 258,823 total reads

 258,823 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 342,010 total reads

 342,010 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top