Patuloy na pagpapatunog ng kampana sa mga simbahan sa Negros, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,053 total reads

Muling nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng patuloy na pagpapatunog ng kampana sa buong diyosesis gayundin sa mga karatig diyosesis sa probinsya ng Negros Oriental sa gitna ng mga karahasang nagaganap sa lalawigan.

Ayon sa Obispo na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, hindi katanggap-tanggap ang walang tigil na karahasang nagaganap sa Negros Oriental kung saan patuloy na naisasantabi ang dignidad at kasagraduhan ng buhay ng bawat mamamayan.

Inihayag ni Bishop Alminaza na layunin ng patuloy na pagpapatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi na unang ipinanawagan ng mga Obispo ng Negros noong ika-27 ng Hulyo taong 2019 na maipaabot ang galit at apela ng mamamayan na mawakasan na ang hindi makatao at walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.

“As your pastor, I join my voice with those who strongly condemn this total disregard of the primacy and sanctity of human life and with all those who call for swift justice not only for those mercilessly killed… I once more renew the call we, the four Bishops of Negros, declared last July 27, 2019 “to toll the church bells in all parishes, chaplaincies, mission stations, and religious houses every evening at 8 o’clock until the killings stop!”” Ang bahagi ng pahayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.

Pagbabahagi ni Bishop Alminaza na sinisimbolo rin ng tunog ng kampana ang panalangin at hinaing ng mamamayan sa Panginoon na pukawin ang puso ng mga kriminal at maging ng mga otoridad upang bigyan ng katarungan ang mga biktima ng mga pagpaslang sa lalawigan.

“As we said once in our collegial statement, “In the stillness of the night, the tolling of the bells signifies our communion as Church. We remember those who have gone ahead of us – including those whose lives have been snatched by these killings… They, who are our brothers and sisters.” Moreover, we toll the church bells to remind each one of us of the value of human life, to express our solidarity with all those who were ophaned and widowed by this senseless violence, “to deliver us from this violence” and “ask God to disturb those who are responsible for this evil, that they may have a change of heart and be renewed”!” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Matatandaang may titulo ang nasabing Pastoral Appeal na ‘Exhortation to Government to Act on Ending the Killings’ kung saan inatasan ng mga Obispo ng Negros ang lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses na magpatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi mula noong ika-27 ng Hulyo taong 2019 hanggang sa tumigil ang karahasan sa lalawigan.

Kalakip nito ang panawagan ng Simbahan sa lahat ng mga mananampalataya na makibahagi sa panawagan upang mawakasan na ang patuloy na karahasan at serye ng pagpaslang sa lalawigan ng Negros.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,053 total reads

 20,053 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,180 total reads

 20,180 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,406 total reads

 36,406 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 92,812 total reads

 92,812 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,313 total reads

 216,313 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 299,915 total reads

 299,915 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top