1,927 total views
Nagpahayag ng paghanga ang Iglesia Filipina Independiente sa matapang at paninindigan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na isulong ang kapayapaan at katarungan sa kabila ng anumang banta ng pag-atake at red-tagging na kanyang naranasan.
Ayon sa Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente, kahanga-hanga ang determinasyon ni Bishop Alminaza na patuloy na magsilbing boses ng mga biktima ng kawalan ng katarungan, kahirapan at pang-aabuso sa lipunan.
Binigyang pagkilala rin ng Iglesia Filipina Independiente ang matapang na paninindigan ni Bishop Alminaza para sa katotohanan bilang isa sa mga pinuno ng Simbahan sa bansa kasabay ng patuloy na pagpapahayag ng ebanghelyo ng Panginoon.
“We know and laud on the sincerity and commitment of Bp Gerry Alminaza to advocate for justice and peace in the name of countless victims of injustice, poverty and abuse in our land. We thank Bp. Gerry for his bold stance in speaking for the truth and standing as among church leaders in this country whose passion to preach the liberating gospel of the Lord Jesus is beyond question.” Ang bahagi ng pahayag ng Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente.
Kinundina naman ng Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente ang programa at estasyon ng SMNI na tahasang nag-red-tag at nag-ugnay kay Bishop Alminaza sa mga komunistang grupo sa bansa.
Iginiit ng pinuno ng denominasyon na hindi katanggap-tanggap ang patuloy na pagpapalaganap ng mga maling impormasyon ng naturang estasyon lalo na laban sa mga lingkod ng Simbahan na bahagi ng misyon na iniatang ng Panginoon ang pagsusulong ng katarungan, kapayapaan at karapatang pantao ng bawat mamamayan.
“We denounce the SMNI’s television program ‘Laban Kasama ang Bayan’ incessant practice of red-tagging, maligning and attacking churches and church-people because of their commitment and passion to work for the Lord’s gospel that mandates the reign of justice and peace and the defense of human dignity. The IFI in fact has not been spared by these red-tagging, vilification and attacks perpetuated by people with questionable character behind this highly pretentious media outfit.” Dagdag pa ng Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Independiente.
Una ng nagpaabot ng pasasalamat si Bishop Alminaza na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace sa lahat ng mga organisasyon, institusyon at indibidwal na patuloy na nagpapahayag ng suporta para sa kanyang misyon at adbokasiya kasunod ng naging red-tagging ng isang programa ng SMNI noong ika-22 ng Pebrero, 2023.