Ang mga Mangingisda at Oil Spill sa Mindoro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 822 total views

Hanggang ngayon, kapanalig, hindi pa tapos ang clean up sa oil spill na naganap sa Oriental Mindoro. Hindi biro ang sakunang ito – ang paglubog ng oil tanker sa baybayin ay malaki ang epekto sa mga mamamayang nakatira roon. Bitbit ba naman ng tanker ay 800,000 litrong unrefined oil, at tumatagas dito kada minuto ay humigit kumulang na 200 litrong langis.

Ang bawat tagas nito kapanalig, ay nagdadala ng panganib sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan dito. Mabaho ang paligid, at ang amoy na ito ay nagdadala ng pagkahilo, paninikip ng dibdib, at minsan pagsusuka sa mga residente. Nakakapatay din ito ng mga isda sa dagat, na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente doon. Tinatayang 1,700 na mangingisda ang apektado kasama ang mahigit kumulang na 3,500 na pamilya.

Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng pagiging bulnerable ng buhay  ng mga mangingisda, na isa sa mga pinakamahirap na sektor sa ating bayan. Tinatayang nasa 26.2% ang poverty incidence sa kanilang hanay. Kada may sakuna sa karagatan, gaya ng oil spill o red tide, o kawalan ng isda, o bagyo, gutom agad ang katapat nito sa kanilang pamilya. Marami pa naman sa mga mangingisdang ito ay nangutang lamang para makuha ang mga bangkang ginagamit nila sa laot.

Ang social protection sana kapanalig, ang kakampi ng mga maralita sa ganitong panahon ng krisis. Sa ibang bansa, kapag ikaw ay nawalan ng trabaho, may madudukot kang unemployment benefits para makatawid sa panahon ng kagipitan. Sa ating bansa, kadalasan, relief good lamang ang makukuha, at maswerte ka na kung may konting perang ayuda. Kaya lamang kapanalig, walang dignidad sa palagiang donasyon lamang ng delata at lumang damit sa panahon ng krisis. Wala ring tinuturong resilience ang ganitong practice sa ating bayan. Kailangang mabago ito. Nakita naman natin na kada maubos na ang mga relief goods na ipinamahagi ng pamahalaan kapag sakuna, nasa mga kalye na minsan ang mga beneficiary at namamalimos na para sa pang-araw araw na gastos.

Hindi lamang donasyong pagkain ang kailangan ng mga tao upang makabangon mula sa sakuna. Kailangan din natin na matiyak ang patuloy na source of income ng mga tao dahil sa panahon ng kagipitan, napipilitan ang mga mamamayan na gumawa ng mga desisyon na may long-term effects sa kanilang mga pamilya. May iba pinatitigil na ang mga anak sa pag-aaral dahil hanggang pagkain lang ang kayang masapo ng pamilya, o di kaya nagmi-migrate at nagbabakasakali na ang pamilya sa ibang lugar, o napipilitang mag-abroad o pumunta sa mga syudad para may kita.

Kapanalig, kapag ginagarantiya natin na patuloy ang source of income ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna, mas mabilis ang kapasidad nilang makabawi at bumangon, at nakatulong pa sa iba. Kaya lamang, mas sanay yata ang pamahalaan natin an magbigay lamang lagi ng donasyon kasya i-institutionalized ang mas maayos na social protection para sa lahat. Parang may mali sa ganitong praktis, hindi ba? Parang sinasanay pa natin ang mga mamamayan na maging dependent sa hatag o donasyon. Kapanalig, we empower our people when we reduce their vulnerabilities. At ang social protection ay isa sa pinakamabisang paraan nito. Ayon nga sa Economic Justice for All, isang pastoral letter ng mga US Bishops noong 1986: Every perspective on economic life that is human, moral, and Christian must be shaped by three questions: What does the economy do for people? What does it do to people? And how do people participate in it? Dapat na nating itanong ang mga ito sa ating bansa ngayon.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pagkakamali at kahinaan, hindi hadlang sa pagtanggap ng Diyos

 10,756 total views

Ibinahagi ni Ms. Joy Cancio kung paano ang kanyang pagkalugmok dahil sa pagkakalulong sa pagsusugal, kabilang ang pagharap sa isang matinding personal na krisis, ang naging daan tungo sa pagbabalik-loob at mas malalim na pagkilala sa Diyos sa ikaapat na bahagi ng Heart-to-Heart Talk ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII).

Ayon kay Cancio, na dating dancer, talent manager at producer, nakamit niya ang marami niyang pangarap sa buhay kabilang ang pagkakaroon ng matagumpay na karera, negosyo at mga ari-arian, ngunit dumating ang panahon na unti-unting nawala ang mga ito dahil sa kanyang pagkahumaling sa pagsusugal.

“I have everything. I have the name, I have the money, I have my house, I have cars, I have a good business, I have a show. Pero lahat ‘yon tinanggal niya kasi ayaw ko tumigil sa sugal,” ayon kay Cancio.

Ikinuwento ng dating showbiz personality na nagsimula lamang sa paglalaro ng slot machine ang kanyang bisyo hanggang sa humantong ito sa malaking pagkalugi at pagkakautang, dahilan upang harapin niya ang pinakamabigat na pagsubok sa kanyang buhay.

Sa tindi ng kanyang pagkalugmok, sinabi ni Cancio na dumating siya sa puntong nawalan siya ng pag-asa at tinangkang wakasan ang kanyang buhay.

Ngunit sa gitna ng takot at paghihirap, muling nanumbalik ang kanyang pananalig sa Diyos at humingi ng tawad, gabay at bagong direksiyon sa kanyang buhay.

“Sabi ko, Lord, forgive me for what I have done. This time, I will follow. I will listen. Just show me the right path,” pagbabahagi ni Cancio.

Ayon kay Cancio, ang karanasang iyon ang naging simula ng kanyang mas malalim na pagbabalik sa Diyos matapos niyang maranasan ang pagtanggap at pagmamahal ng mga taong tumulong sa kanya na muling bumangon.

Higit niyang naramdaman ang presensya ng Diyos at naunawaan na ang tunay na kayamanan ay hindi lamang nasusukat sa tagumpay kundi sa relasyon sa Panginoon at sa pamilya.

“Dati, lumalapit ako sa Panginoon kapag may hiling ako. Nakakalimutan ko magpasalamat. Pero ngayon, kung ako po ay nagsasayaw noon para kumita, ngayon nagsasayaw na ako para sa Panginoon,” pahayag niya.

Pinuri naman ni Cardinal Tagle ang katapatan ni Cancio sa pagbabahagi ng kanyang karanasan at binigyang-diin na sa kabila ng pagkakamali ng tao ay nananatiling kaibigan ang Diyos na handang tumanggap at magbigay ng bagong simula.

“Minsan, iiwanan ka ng ibang tao. Hanggang sa makita natin may isang kaibigan na magiging tapat at maaasahan na kayang tanggapin pati yung ating pagkakamali. Kaya tayong tanggapin ni Jesus, pero minsan tayo hindi natin kayang tanggapin ang sarili natin,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Sa pagtatapos ng kanyang pagbabahagi, hinikayat ni Cancio ang mga kabataan na umiwas sa pagsusugal at palalimin ang pagkilala sa Salita ng Diyos bilang sandata laban sa tukso at mga pagsubok sa buhay.

“When I accept Jesus in my life, I should know the Word of God. ‘Yun po ‘yung panglaban ko para makatayo ako sa mga tukso,” dagdag ni Cancio.

Pagtingin sa mga dukha bilang kaibigan, susi sa pagbabagong-buhay

 14,938 total views

Hindi lamang pagbibigay ng materyal na tulong kundi ang pagkilala sa mga dukha bilang tunay na kaibigan ang nagiging daan upang mabago ang buhay ng kapwa at mapalalim ang pananampalataya.

Ito ang ibinahagi ni Bro. Artemio “Jun” Manuben, OFS, kasapi ng Secular Franciscan Order at full-time catechist ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM), sa ikatlong bahagi ng Heart-to-Heart Talk ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Si Bro. Manuben ay kabilang sa Franciscan Catechists na nagsasagawa ng katesismo at paglilingkod sa mga maralitang komunidad, kabilang ang mga batang nangangailangan ng gabay at pag-aaruga sa mga lugar sa Maynila.

Ayon sa lay Franciscan, ang kanyang pagmamahal kay San Francisco de Asis ang nagtulak sa kanya upang higit na yakapin ang misyon ng paglilingkod sa mga mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

“Hindi ko na lang sila tinuring na mga pulubi. Parang tinuring ko na rin silang mga kaibigan,” pagbabahagi ni Bro. Manuben.

Ikinuwento ni Bro. Manuben na nagsimula ang kanyang mas malalim na pakikipag-ugnayan sa mga mahihirap nang makadaupang-palad niya ang isang pamilyang namumuhay sa Delpan, Sta. Ana na dumaranas ng matinding kahirapan at suliranin sa bisyo.

Sa halip na minsanang pagtulong, pinili niyang patuloy silang samahan hanggang sa magkaroon ang pamilya ng mas maayos na tirahan at pagkakataong makapagsimula muli.

“Ang tinuro nila sa akin, kung paano ko sila mahalin. Hindi lang mahalin, bigyan din sila ng pag-asa,” ani Bro. Manuben.

Ibinahagi rin ng lay Franciscan na unti-unting bumuti ang kalagayan ng pamilya matapos silang matulungan na magkaroon ng mas maayos na kapaligiran para sa kanilang pamumuhay, habang malaking bahagi naman ng kanyang kinikita bilang katekista ang inilaan niya sa kanilang pagkain, upa at iba pang pangangailangan.

“Halos 80 percent ng natatanggap kong sahod ang napupunta sa [pagtulong] sa mga mahihirap. Kaya sabi ko, ito pala ‘yung pagiging kaibigan—’yung pagbibigay ng pag-asa, pagbibigay ng pagmamahal sa kanila,” dagdag pa niya.

Binigyang-pugay naman ni Cardinal Tagle ang patotoo ni Bro. Manuben at sinabing ang pagbabago ng pagtingin sa mga dukha ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pamumuhay ni San Francisco de Asis.

Ipinaliwanag ng kardinal na ang tunay na pakikipagkaibigan ay nagbubukas ng isang bagong pananaw sa pagbabahagi, kung saan ang pagbibigay ay hindi lamang nagmumula sa labis na mayroon ang isang tao, kundi sa pusong handang makibahagi sa buhay ng kapwa.

“Kapag kaibigan, pamilya, it’s not just the surplus that you give… Hindi ka nawawalan kasi pamilya ang pinagbigyan mo. It’s a different type of vision,” ayon kay Cardinal Tagle.

Sa pagtatapos ng talakayan, binigyang-diin ni Cardinal Tagle na ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay may kakayahang baguhin hindi lamang ang buhay ng mga nasa laylayan kundi maging ang Simbahan at lipunan, sapagkat sa bawat taong tinatanggap bilang kaibigan ay higit na nahahayag ang presensya ni Kristo sa gitna ng sambayanan.

Bumubuo ng PCNE XII, nagpapasalamat sa mga nakiisa at nakibahagi sa taunang pagtitipon

 16,495 total views

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Executive Director ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na si Rev. Fr. Jason Laguerta sa libu-libong delegado, mga katuwang na organisasyon, boluntaryo, at mga institusyong naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng ika-12 Philippine Conference on New Evangelization.

Sa kanyang closing message sa banal na misa bilang pagtatapos ng ikalawang araw ng PCNE XII, kinilala ni Fr. Laguerta ang University of Santo Tomas (UST) sa patuloy nitong pagbubukas ng mga pintuan para sa taunang pagtitipon ng Simbahang Katolika.

“Pinasasalamatan namin ang University of Santo Tomas for always welcoming us into your home, which has also become our home for the Philippine Conference on New Evangelization,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Laguerta.

Binigyang-pugay rin ng Pari ang mga delegado mula sa Ministry with Persons with Disabilities (PWDs) bilang tanda ng patuloy na pagsusulong ng isang Simbahang tunay na bukas at inklusibo para sa lahat.

Bukod dito, nagbigay din si Fr. Laguerta ng espesyal na pagkilala sa mga Mangyan catechists mula sa mga pamayanang katutubo sa Mindoro na nakibahagi sa kumperensya bilang patunay na ang misyon ng Simbahan ay umaabot maging sa mga pamayanang nasa laylayan.

“We are deeply grateful to all of you. We would like to give a special mention to our delegates from the Ministry with Persons with Disabilities (PWDs). Let us give them a warm round of applause. We would also like to recognize a very special group that joined us for PCNE XII—our catechists from the Indigenous Peoples communities of Mindoro, our Mangyan catechists. Let us also give them a round of applause.” Dagdag pa ni Fr. Laguerta.

Ikinatuwa rin ni Fr. Laguerta ang pagdalo ng mga international delegates mula sa Canada, Estados Unidos, Australia, iba’t ibang bansa sa Asya, Africa, at South America, na ayon sa Pari ay nagpapakita na ang PCNE ay hindi na lamang pambansang pagtitipon kundi isa nang pandaigdigang pagtitipon ng Simbahang Katolika.

“PCNE is not only a national gathering; it is also an international gathering of the Church. Thank you very much for coming to the Philippines,” Ayon pa kay Fr. Laguerta.
Naniniwala ang Pari na ipinakikita ng malawak na partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng Simbahan at ng pandaigdigang komunidad ang patuloy na pagsasabuhay ng diwa ng sinodalidad at ng panawagan ni Hesus na sama-samang maging mga kaibigan at misyonero ng Mabuting Balita.

Pagbabahagi ni Fr. Laguerta sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga obispo, pari, relihiyoso, layko, kabataan, mga katutubo, persons with disabilities, at mga delegado mula sa iba’t ibang bansa, ay higit na napalalakas ang misyon ng Simbahan na maipahayag ang Ebanghelyo sa makabagong panahon.

Nagbigay rin ng pagkilala ang Pari sa iba’t ibang mission partners, simbahan, congregations, lay organizations, educational institutions, media partners, sponsors at benefactors na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng kumperensya.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Fr. Laguerta ang Couples for Christ Global Mission Foundation, Couples for Christ ANCOP, Order of Friars Minor (OFM), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Missionary Servants of the Blessed Sacrament, Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), Association of Catholic Universities of the Philippines (ACUP), Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila, JesCom, Society of St. Paul, Sisters of St. Paul of Chartres, TV Maria, Archdiocese of Manila Office for Communications (RCAM-AOC), Radio Veritas, iba pang media partners, The Feast, iba’t ibang tanggapan ng ARCOM, exhibitors, volunteers, mga seminarista, at mga komisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 117,689 total views

 117,689 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 145,981 total views

 145,981 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 191,912 total views

 191,912 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 224,994 total views

 224,994 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 246,185 total views

 246,185 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 117,690 total views

 117,690 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 145,982 total views

 145,982 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 191,913 total views

 191,913 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 224,995 total views

 224,995 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »
Scroll to Top