Integration ng voters education sa K-12 curriculum suportado ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,888 total reads

Nagpahayag ng kahandaan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na suportahan ang plano ng Commission on Elections (COMELEC) na pagsasama o integration ng voters’ education sa K-12 curriculum.

Ayon kay PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano, maging ang PPCRV ay mayroong binubuong module na magsilbing gabay sa paghuhubog ng mga kabataang makabayan at mulat sa kahalagahan ng demokrasya at halalan sa bansa.

Ipinaliwanag ni Serrano na mas higit na tinututukan ng PPCRV ang pagsusulong ng pagiging makabayan ng mga kabataan upang mas madaling magpaliwanag sa kahalagahan at kasagraduhan ng halalan sa bansa.

“Yes [we’ll support COMELEC] in fact were also coming out with our own module kaya gusto din naming yan which ever ang gagamitin basta’t huwag lang sana po-focus masyado sa eleksyon, kasi yung sa module namin will focus more on the patriotism or love of country, hindi masyado sa eleksyon kasi eleksyon madaling matutunan yun.” pahayag ni Serrano sa Radyo Veritas.

HIgit na tinututukan ng PPCRV ang pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan sa kahalagahan ng demokrasya kung saan kaakibat nito ang pagkakaroon ng regular na halalan sa bansa, at ang matalinong pagpili ng mga lider na magbibigay direksyon sa hinaharap ng bansa.

Nilinaw naman ng PPCRV na anuman ang nakapaloob sa module na isusulong ng COMELEC para sa integration ng voters’ education sa K-12 curriculum ay nakahanda silang umagapay at makibahagi sa mga programa ng ahensya.

“Were focusing dun sa importance kung bakit tayo nagkakaroon ng regular elections, bakit kinakailangang regular yung elections, bakit mahalaga yung mga binoboto natin makakahubog doon sa direksyon ng ating bansa at saka ng ekonomiya, yan yun aming magiging more focus, hindi masyado dun sa election, so I don’t know about the module na ipipresent ng COMELEC but I think hindi naman siguro kami nagkakalayo ng contents niyan, hopefully we could integrate from each other’s views.” Dagdag pa ni Serrano.

Matatandaang kabilang sa mga inihayag na plano ng COMELEC sa naganap na National Election Summit ang planong pagsasama o integration ng voters’ education sa K-12 curriculum upang maagang mamulat ang mga kabataan sa kahalagahan at kasagraduhan ng halalan sa bansa.

Pagbabahagi ni Serrano kaisa ng COMELEC ang PPCRV sa pagnanais na higit na mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan sa kahalagahan ng halalan maging sa murang edad pa lamang.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,738 total reads

 20,738 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,865 total reads

 20,865 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,440 total reads

 37,440 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,846 total reads

 93,846 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,347 total reads

 217,347 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,900 total reads

 300,900 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top