Diocese of Balanga, nagpaabot ng pakikiisa at pagdadalamhati sa pagpanaw ni Bishop Ocampo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,003 total reads

Nakiisa ang Diocese of Balanga sa pagdadalamhati ng Diocese of Gumaca kasunod ng pagpanaw ni Bishop Victor Ocampo.

Inilarawan ni Bishop Ruperto Santos na regalo ng Bataan si Bishop Ocampo sa mananampalataya ng Gumaca Quezon.

“It is a very sad news for us all. The loss of the Diocese of Gumaca is also our lost. He is our gift to them. We share in the grief and bereavement of the lay faithful of the Diocese of Gumaca,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa impormasyong ibinahagi ni Gumaca Chancellor Fr. Tony Ryan del Moro inatake sa puso ang obispo at tuluyang pumanaw ganap na alas 5:58 ng hapon, March 16, kasabay ng ika – 71 kaarawan ng obispo.

Pinarangalan ni Bishop Santos ang namayapang obispo ng Gumaca dahil sa masigasig na pagmimisyong patnubayan ang kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

“In Bishop Vic we see and experience the goodness of God. He is truly a good Shepherd to here and there. He lives his life for his people,” ani Bishop Santos.

Ibinahagi ni Bishop Santos na nakatakdang magsagawa ng pilgrimage sa Bataan ang mananampalataya ng Gumaca sa pangunguna ni Bishop Ocampo sa March 20 bilang paghahanda sa mga Mahal na Araw.

Ipinanganak si Bishop Ocampo noong March 16, 1952 at naordinahang pari November 5, 1977.

Hinirang na ikatlong obispo ng Diocese of Gumaca noong June 12, 2015 at ginawaran ng episcopal ordination noong August 29 sa parehong taon sa pangunguna ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Sa mahigit apat na dekadang pagiging pari at pitong taong obispo ay lubos na itinalaga ni Bishop Ocampo ang sarili sa pagpapalaganap ng misyon ni Hesus lalo na ang pagkalinga sa mga higit nangangailangang sektor ng pamayanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,460 total reads

 21,460 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,587 total reads

 21,587 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,560 total reads

 38,560 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 94,966 total reads

 94,966 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,467 total reads

 218,467 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 301,939 total reads

 301,939 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top