CBCP, nakiisa sa panawagan ng EcoWaste na ‘litter-free pilgrimage’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,438 total reads

Nakikiisa si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa panawagan ng EcoWaste Coalition para sa ligtas at makakalikasang paggunita ng Semana Santa 2023.

Sa panawagan, hinihikayat ang bawat mananampalataya na panatilihin ang kalinisan sa pagsasagawa ng Visita Iglesia at pagpunta sa iba’t ibang pilgrimage sites upang magnilay at manalangin.

Ayon sa obispo nawa ay ipaalala sa mga mananampalataya ang panawagan sa paggunita ng simbahan ng Mahal na Araw kung saan karaniwang isinagawa ang pilgrimage at Visita Iglesia.

Nauna nang sinabi ng EcoWaste na sa paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoon ay mapagnilayan din nawa ng bawat isa ang mga pagsubok na kinakaharap ng kalikasan.

“We hope to appeal to all pilgrims to keep the pilgrimage sites litter-free and to minimize the use of single-use plastics…as we recall the passion, death, and resurrection of Jesus Christ and deepen our Christian faith,” pahayag ng EcoWaste Coalition.

Tinukoy din ng grupo ang pag-iwas sa paggamit ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok na nakadaragdag sa iba’t ibang polusyong nakalalason at nakasisira ng kapaligiran.

Iginiit ng EcoWaste na mahalaga ang patuloy na pagsasabuhay sa ecological conversion sapagkat makatutulong ito upang matugunan ang epekto ng climate change, pollution, at biodiversty loss.

“Together, let us use the holy days, as well as the long weekend, to turn away from practices that poison and destroy the environment and the climate with pollutants such as vehicular emissions and plastic chemicals and wastes,” saad ng EcoWaste.

Nagpapasalamat din ang EcoWaste kay Bishop David sa tulong, suporta at pakikiisa sa adbokasiya sa pangagangala ng kalikasan.

Paalala pa ng grupo sa bawat isa na bilang mga katiwala ng mga nilikha ng Diyos, marapat lamang na ibahagi at ipakita ang paggalang sa inang kalikasan lalo na sa pagsasagawa ng mga gawaing pangsimbahan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 17,734 total reads

 17,734 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 37,320 total reads

 37,320 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 65,610 total reads

 65,610 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 113,875 total reads

 113,875 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 135,964 total reads

 135,964 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 233,903 total reads

 233,903 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 127,933 total reads

 127,933 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top