Pagpuputol ng punongkahoy sa Bohol, tinututulan ng obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,139 total reads

Mariing nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa pagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan sa gitna ng lumalalang epekto ng climate change.

Kaugnay ito sa pahayag ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy hinggil sa pagputol sa apat na malalaking puno ng Acacia sa Tagbilaran City, Bohol upang bigyang daan ang isang gasoline station.

Ayon kay Bishop Uy, sapat na ang bilang ng mga gas station sa Bohol para magtayo pa ng karagdagan nito, at ilagay naman sa panganib ang mga puno na nakakatulong upang tugunan ang pag-init ng kapaligiran.

“We are badly needing huge trees like Acacia Trees because of the damaging effects of global warming and climate change. The cutting of four huge Acacia Trees is a big loss not only for this generation but for many generations to come.” pahayag ni Bishop Uy.

Pagbabahagi ng Obispo na ang mga puno ng Acacia ay malalaking puno na nang pumasok siya bilang seminarista ng Immaculate Heart of Mary Seminary taong 1979.

Hinimok naman ni Bishop Uy ang pamahalaan, mambabatas, negosyante, at iba pang ahensya na maging kabahagi at kumilos para pangalagaan ang mga natitirang puno sa lungsod at lalawigan.

Binigyang-diin pa ng Obispo na ang pangangalaga sa kalikasan ay pangangalaga at pagmamalasakit rin sa kapwa.

“Let’s work together to protect the few precious trees here. Remember that by taking care of nature, we also take care of ourselves and our loved ones.” ayon kay Bishop Uy.

Si Bishop Uy ay miyembro ng CBCP-Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church, at siya ring nangunguna sa mga gawain ng pagtatanim ng mga puno sa buong diyosesis bawat taon.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 16,703 total reads

 16,703 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 35,423 total reads

 35,423 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 63,805 total reads

 63,805 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 112,070 total reads

 112,070 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 134,159 total reads

 134,159 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 232,168 total reads

 232,168 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 127,871 total reads

 127,871 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top