Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 470 total reads

Kapanalig, ang mga pagbabago sa demograpiya sa Asya ay humuhulma ng ating kinabukasan. Kung hindi natin paghahandaan ang mga pagbabago na ito, mas maraming suliranin ang haharapin ng ating rehiyon.

Natural na bahagi ng ating buhay ang pagtanda. Maswerte tayo dahil dito sa Asya, kasama natin ang ating mga elders sa tahanan. Binibigyan natin sila ng halaga at puwang sa ating lipunan. Kaya lamang, marami ring mga hamon sa pagtanda ang kinakaharap ng mga Asyano ngayon.

Nangunguna rito ay ang kakulangan sa mga sistema ng pangangalaga sa kalusugan. Maraming mga bansa sa ating rehiyon ay  nakakaranas ng mga health systems inefficiency – hindi sapat ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan. Nagpapahirap ito sa mga elders natin, kapanalig, at nagdadagdag pa sa pasanin ng mga pamilya. Bukod pa rito, kulang na kulang rin ang impormasyong kalusugan sa mga mamamayan, na nakakapag-palala ng mga sakit gaya ng diabetes, high blood, at iba pa.

Malaking isyu rin ang mental health sa hanay ng elderly. Maraming mga seniors natin, lubhang natakot at na-isolate noong panahon ng pandemya. Marami sa kanila, hindi nakuha ang suportang kailangan nila upang maayos na napagdaanan ang mga hamon na dala nito. Kaya’t marami sa kanila ang lumala pa ang mga iniindang sakit. Marami sa kanila, naging matatakutin.

Ang ageing ay may malaki rin ang epekto hindi lamang sa health systems ng ating lipunan, pati na rin sa workforce. Alam niyo kapanalig, ang mga bansa sa Asya ay karaniwang source ng manpower para sa iba’t ibang industriya  At sa pagtanda ng mga mamamayan, makakaranas ang maraming bansa sa Asya ng shortage ng workforce. Mas makikita ang ganitong pagbabago sa demograpiya sa East Asia at Pasipiko. Ayon sa World Bank, mahigit pa sa 211 milyong tao may edad 65 pataas ay nasa East Asia at Pasipiko noong 2010. At sa pagitan ng 2015 at 2034, tataas pa ang older population ng mga 22% kada limang taon sa East Asia. Dito sa ating bansa, halos 40% ng ating populasyon ay magiging seniors pagdating ng 2035. Medyo ageing na rin ang populasyon natin.

Kapanalig, umiikli ang panahon natin upang paghandaan ang mga pagbabagong ito sa ating lipunan. Napakahalaga na habang bumabangon ang ating ekonomiya sa hagupit ng pandemya, ay ating din napapatatag ang mga health systems,  at employment sa ating bansa. Kailangan ng ating pamahalaan na tingnan hindi lamang ang mangyayari sa loob ng kanilang termino, kundi ang komprehensibong kapakanan ng bansa. Ang mga pangaral mula sa Mater et Magistra ay angkop sa temang ito: tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang karapatan ng mga mamamayan, lalo na ng mga mas mahinang miyembro nito. Hindi dapat talikuran ng pamahalaan ang pagpapabuti ng kondisyon ng lahat ng mamamayan nito, ano pa man ang kanilang edad.

Sumainyo ang Katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,131 total reads

 10,131 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,258 total reads

 10,258 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,819 total reads

 18,819 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 75,225 total reads

 75,225 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,726 total reads

 198,726 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 283,160 total reads

 283,160 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,820 total reads

 18,820 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 75,226 total reads

 75,226 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,727 total reads

 198,727 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top