Marahas na pagbuwag ng PNP at Ipilan Corporation sa barikada ng mga residente ng Brooke’s Point, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,948 total reads

Mariing kinondena ng Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa at Taytay sa Palawan ang naganap na kaguluhan sa pagitan ng Ipilan Nickel Corporation at mamamayan ng Brooke’s Point laban sa ilegal na pagmimina noong Abril 14.

Sa pastoral statement nina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona at Taytay Bishop Broderick Pabillo, inihayag nito ang labis na pagkadismaya sa sinapit ng mga residenteng mapayapang nagsasagawa ng barikada upang tutulan ang pagmimina sa Brooke’s Point.

Sinabi ng dalawang obispo na nais lamang manawagan ng mga residente para sa pagpapahinto sa Ipilan Mining na ilegal nang nagsasagawa ng operasyon makaraang mapawalang-bisa ang Mayor’s permit noong Pebrero 1, 2023, na sinundan ng Cease and Desist order.

“Rather than fully complying with the rule of law, Ipilan Nickel Corporation acted in blatant defiance of the law by continuously operating its mine. Worse, the companu took the law into its own hands by deploying its large private security force in violently dispersing the peaceful rallyist,” bahagi ng pahayag nina Bishop Mesiona at Bishop Pabillo.

Tinatayang nasa 100 tauhan ng Ipilan Corporation at 30 kawani ng Philippine National Police ang marahas na nagpaalis at gumiba sa mga barikada, na humantong din sa pagkakaaresto at pagkulong sa anim na residente ng Brooke’s Point.

Pagbabahagi nina Bishop Mesiona at Bishop Pabillo na sa loob ng tatlong buwan ay nasaksihan ang sakripisyo ng mga katutubo, magsasaka, mangingisda, at iba pang mamamayan ng Brooke’s Point upang pangalagaan ang kanilang likas na yaman laban sa ilegal na pagmimina sa lugar.

“They have been peacefully rallying against the devastation to their forests, watershed, indigenous lands, farms, and water sources that was causing the enormous loss of their livelihoods and massive floodings in Brooke’s Point,” ayon sa pahayag.

Hinihiling naman ng dalawang Obispo ang pagtugon nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) upang tuluyan nang ihinto ang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation at iba pang minahan sa Palawan.

Gayundin ang paggalang at pangangalaga sa karapatan ng mga residenteng mapayapang kumikilos upang tutulan ang mapaminsalang pagmimina sa lalawigan.

“As our expression of full support and solidarity with the peaceful rallyist in Brooke’s Point, we therefore make these urgent appeal… to respect and protect the constitutional rights of the peaceful rallyist to publicly assemble and protest against the destructive and irresponsible mining in Brooke’s Point and affected areas in Palawan,” saad nina Bishop Mesiona at Bishop Pabillo.

 

 

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 16,303 total reads

 16,303 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 36,903 total reads

 36,903 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 106,377 total reads

 106,377 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 191,745 total reads

 191,745 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 238,481 total reads

 238,481 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 286,353 total reads

 286,353 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 384,968 total reads

 384,968 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 171,844 total reads

 171,844 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top