Cardinal Tagle, itinalagang kinatawan ni Pope Francis sa National Eucharistic Congress sa Congo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,355 total views

Itinalaga ng Santo Papa Francisco si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kinatawan sa ikatlong National Eucharistic Congress of the Democratic Republic of Congo.

Isasagawa sa June 4 hanggang 11, 2023 ang pagtitipon sa Lubumbashi City sa anunsyo ng National Episcopal Conference of Congo.

“The Holy Father has appointed His Eminence Cardinal Luis Antonio G. Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization, as his special envoy to the National Eucharistic Congress of the Democratic Republic of the Congo,” ayon sa pahayag ng Vatican.

Matatandaang naantala ng tatlong taon ang Eucharistic Congress sa lugar na unang itinakda noong 2020 dahil sa panganib na dulot ng COVID-19 pandemic.

Napagkasunduan ng mga obispo ng Congo na ipagpatuloy ang congress ngayong taon kasunod ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong Enero.

Ayon sa kalipunan ng mga obispo bagamat naantala ng tatlong taon ay nanatiling handa ang Congo sa malaking pagtitipon para sa Eukaristiya na makatutulong sa pananampalataya ng 40% katoliko sa 90-milyong populasyon.
Unang ginawa ang Eucharistic Congress sa Congo noong 1933 sa Kisantu City na sinundan noong 1980 sa Kinshasa City.

Kamakailan ay ipinagkatiwala rin ni Pope Francis kay Cardinal Tagle ang buong pamamahala sa Section for the First Evangelization and New Particular Churches ng Dicastery for Evangelizations sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,056 total views

 59,056 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,925 total views

 54,925 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,127 total views

 91,127 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,423 total views

 99,423 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,847 total views

 123,847 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top