Eid’l Fitr, patuloy na panawagan sa pagkakaisa at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,287 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang simbahang katolika sa pagdiriwang ng mga Muslim ng Eid’l Fitr- ang hudyat nang pagtatapos ng Ramadan-ang pinakabanal na buwan sa pananampalatayang Islam.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, nawa ang nagdaang Ramadan ay naging pagkakataon para sa lahat sa pagtitika at pag-aayuno bilang pagpapasalamat sa Panginoon.

“Salamat sapagkat sa pagdiriwang na ito, tayo po ay hinihikayat ưpang maging “peace-builders” at maging charitable to the needy. Magkakaisa po tayo upang magawa áng mga adhikain sa Maykapal na tayo ấy magkakaroon ng kapayapaan at tayo ấy magiging generous sa ating mga mahihirap na mga kapatid. Inshala!,” ang mensahe ni Archbishop Jumoad

Umaasa din ang arsobispo na nawa ay maging daan ang banal na buwan ng Ramadan sa pagninilay para sa kabutihan ng higit na marami.

Gayundin ang pagsisikap ng bawat isa na magsilbing tagapapamayapa at pagkakawanggawa lalo na sa mga nangangailangan.

Ipinapaabot naman ni House Speaker Martin Romualdez ang pakiisa sa pagdiriwang.

Ayon sa mambabatas nawa’y biyayaan ang bawat isa at kanilang pamilya ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at kaunlaran, gayundin ang pananaig ng kapayapaan.

Binigyan diin pa ni Romualdez ang pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba mga paniniwala sa relihiyon ay nasasaad sa Konstitusyon.

“We view this diversity not as an obstacle to development, but rather as a potent moving force for all of us to contribute to nation-building in our own way, according to our respective religious beliefs,” ayon pa sa mensahe ni Romualdez.

Umaasa din ang pinuno ng Mababang Kapulungan sa mamamayan, maging anuman ang pananampalataya na patuloy sumulong tungo sa pag-unlad bilang isang bansa.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) tinatayang may higit sa anim na milyon bilang ng mga Muslim sa Pilipinas mula sa kabuuang 110 milyong populasyon ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,491 total views

 54,491 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,360 total views

 50,360 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,562 total views

 86,562 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,037 total views

 95,037 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,803 total views

 119,803 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top