Mamamayan, hinamon ng opisyal ng CBCP na isabuhay “Sapat lifestyle”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,721 total reads

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na paigtingin ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa Laudato Si’ Week 2023 mula ika-21 hanggang 28 ng Mayo upang gunitain ang ikawalong anibersaryo ng pagkakalathala sa Ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco para sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship, nararapat na isabuhay ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan upang matugunan ang lumalalang epekto ng climate crisis.

“Sana sa pagdiriwang natin ng Laudato Si’ Week ay mas maisabuhay pa natin ang pangangalaga sa ating daigdig mula sa epekto ng climate crisis. Ito ang nais ipabatid sa atin ni Pope Francis simula nang ipublish ang kanyang encyclical letter para pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Pabillo na kahit sa payak na paraan ay maibabahagi natin sa kapwa ang mga aral mula sa Laudato Si’ tulad ng wastong pagtatapon ng basura, at pagtitipid sa paggamit ng tubig.

Batid ng obispo ang krisis sa basura dahil sa patuloy na paggamit ng single-use plastic, gayundin ang nagbabadyang pagkaubos ng suplay ng tubig dahil sa banta ng El Niño phenomenon.

Ipinaliwanag ng opisyal ng CBCP na maaari itong maiwasan kung sisikapin ng bawat isa na isabuhay ang “sapat lifestyle”.

“Kaya mahalaga na sanayin natin ang pagkakaroon ng sapat-lifestyle. Matuto tayong magtipid at iwasan ang pagkonsumo nang labis sa mga hindi makabuluhang bagay,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tema ng Laudato Si’ Week ngayong taon ang “Hope for the Earth. Hope for Humanity”.

Ang Laudato Si’ ang ikalawang ensiklikal na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei, at itinuturing na kauna-unahang ensiklikal patungkol sa wastong pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 46,597 total reads

 46,597 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 83,387 total reads

 83,387 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 116,573 total reads

 116,573 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 167,827 total reads

 167,827 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 229,456 total reads

 229,456 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,028 total reads

 52,028 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top