Obispo, nananawagan ng “Sapat-lifestyle” para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,117 total reads

Muling iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahalagahan ng “sapat-lifestyle” alang-alang sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, ang paraan ng pagbabago ng pamumuhay tungo sa pagiging payak ang higit na kinakailangan sa gitna ng mga nangyayaring krisis sa kapaligiran.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa paggunita sa Philippine Environment Month ngayong Hunyo, at World Environment Day sa Hunyo 5.

“Talagang nananawagan ang environment ng nararapat na pangangalaga. Pahalagahan natin siya. Sana magbago ang lifestyle natin alang-alang sa inang kalikasan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Office on Stewardship na ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha ay hindi mahirap na gampanin.

Sinabi ng obispo na sa pagtutulungan ng bawat isa ay unti-unting makakamit ang layuning mapigilan ang pagkasira ng nag-iisang tahanan para sa kapakinabangan ng susunod pang henerasyon.

“Pwede nating ipakita ang pamumuhay ng payak at sapat sa pamamagitan ng ating kinakain; sa ating ginagamit tulad ng hindi masyado paggamit ng plastic; at sa ating pagsasalita na bigyan nating halaga ang environment. So, ‘yun po ‘yung mga konting contribution. Pero kung bawat isa sa atin ay gagawa ng kanyang contribution, magbabago po ang kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Abril 4, 1988 nang ideklara ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Hunyo bilang Philippine Environment Month upang paglaanan ng panahon at kumilos tungo sa pangangalaga, pagpapahusay, at pagpapaunlad ng kalikasan sa bansa.

Habang taong 1974 naman nang unang ideklara ng United Nations ang World Environment Day tuwing Hunyo 5 upang paigtingin ang kamalayan ng publiko at itaguyod ang kaligtasan ng nag-iisang tahanan laban sa tuluyang pagkasira.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 13,971 total reads

 13,971 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 29,724 total reads

 29,724 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 58,525 total reads

 58,525 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 106,790 total reads

 106,790 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 128,879 total reads

 128,879 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 227,143 total reads

 227,143 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 127,711 total reads

 127,711 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top