Laban kontra smuggling, palalakasin ng PCL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,261 total reads

Magiging mas epektibo ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling sa pagbuhay sa Philippines Customs Laboratory (PCL).

Ayon kay Customs Commissioner Rubio, sa pamamagitan ng P-C-L ay mas mapaiigting ang border security, at matutukoy kung tama ang buwis na ibinayad sa ipinapasok na produkto sa bansa.

Makakatuwang ng B-O-C sa implementasyon ng P-C-L ang Korea International Cooperation Agency (KOICA).

“This partnership with KOICA will contribute significantly to our vision of a modernized and credible Customs administration,” pahayag ni Commissioner Rubio.

Dumalo rin si Rubio sa 141st at 142nd Sessions ng World Customs Organization (WCO) Council na ginanap sa Brussels, Belgium mula Hunyo 22 hanggang ika-24 kung saan tinalakay ang mga international standard, guidance documents, at rekomendasyon upang mas lalong mapaganda ang serbisyo at kooperasyon ng mga Custom agency sa iba’t ibang bansa.

Dahil sa pinaigting na kampanya, ika-29 ng Hunyo 2023 ay naharang ng BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 7.15 kilo ng shabu na ibinalot na parang tsokolate at tinangkang ipasok sa NAIA Terminal 1.

Ang mga tsokolate ay dala ng isang Canadian national na sinasabing galing sa Mexico at dumating sa Pilipinas sakay ng Japan Airline Flight No. JAL741.

Napansin ng tauhan ng B-O-C ang kahina-hinalang dala ng pasahero ng dumaan ang bagahe sa x-ray inspection.

Agad na isinunod ang K9 inspection bago binuksan ang bag at doon nakita ang mga balot ng tsokolate na ang laman ay shabu na may kabuuang halaga na P48.6 milyon.

Noong Hunyo 27, nahuli naman ng mga tauhan ng BOC-NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang residente ng Las Piñas na tumanggap ng package kung saan itinago ang 1,460 gramo ng raw ecstasy.

Sa ulat itinago ang raw ecstasy sa chopping board mula sa Berchem, Belgium at dumating sa Central Mail Exchange Center (CMEC) noong June 20.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 47,290 total reads

 47,290 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 163,533 total reads

 163,533 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 248,902 total reads

 248,902 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 295,642 total reads

 295,642 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 343,509 total reads

 343,509 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 439,382 total reads

 439,382 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top