ICC, pinuri ng iDefend

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,532 total views

Pinuri ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDefend) ang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon sa ‘war on drugs’ ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa iDefend, kahanga-hanga ang paninindigang ng ICC na bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan at walang awang pagpaslang sa ilalim ng marahas kampanya kontra ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte sa bansa.

“In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDefend) lauds the ICC decision and supports its sustained investigation into the Philippine human rights situation. We further commend the international community’s unrelenting support to the cause of justice.” Ang bahagi ng pahayag ng iDefend.

Nagpahayag rin ng paghanga ang iDefend sa mga kaanak at survivor ng war on drugs na mariing nagsulong ng pagkamit ng katarungan para sa lahat ng mga biktima ng karahasan sa bansa.

Tinukoy ng iDefend ang pagpupursige ng bawat isa upang makamit ang katarungang panlipunan at mapanagot ang lahat ng mga nasa likod ng marahas na war on drugs sa bansa.

“Lastly, we commend the survivors and victims’ families whose collective courage pushes the wheels of international justice to turn. In the end their struggle benefits all of us who pray such a war, the impact of which will be felt for generations, is never imposed on us again.” Ayon pa sa iDefend.

Muli namang nanawagan ang human rights group sa kasalukuyang administrasyong Marcos na tuluyang isantabi ang marahas na war on drug ng nakalipas na administrasyong Duterte at makibahagi sa imbestigasyong isinasagawa upang bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9 na libo katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20-libo ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 9,179 total views

 9,179 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 93,938 total views

 93,938 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 111,838 total views

 111,838 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 158,139 total views

 158,139 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 144,408 total views

 144,408 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top