Maging “center of Marian devotions”, misyon ni Bishop Santos sa Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,869 total reads

Inihayag ni Antipolo Bishop-designate Ruperto Santos na palalakasin ang debosyon ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang pamamahala sa diyosesis.

Ayon sa Obispo, bilang tahanan ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage – ang kauna-unahang international shrine sa Pilipinas ay nararapat na isulong ang higit na pagdedebosyon sa Mahal na Ina na gagabay tungo sa landas ng Panginoong Hesus.

“Maging center ng cultural, theological at Marian conferences and congresses ang Antipolo para mas lumawak at lumalim ang debosyon sa Mahal na Birhen,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

May 24, 2023 ng italaga ni Pope Francis si Bishop Santos na kahalili kay Bishop Francis De Leon makaraang magretiro nang maabot ang mandatory retirement age.

Unang hiniling ni Bishop Santos sa mananampalataya ang panalangin para sa bagong misyon na iniatang simbahan sa kanyang pagiging pastol lalo’t batid nito ang mga kaakibat na responsibilidad at hamong kakaharapin.

“Please help me with your prayers, remember me always at the altar of our Lord. Intercede me to our Blessed Mother Mary that my episcopal ministry be like her: peace, good and full of grace,” saad pa ni Bishop Santos.

Nakatakda sa July 22, 2023 sa alas 10 ng umaga ang pagluluklok kay Bishop Santos sa Antipolo Cathedral na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

Dadalo din sa installation ni Bishop Santos ang iba pang mga obispo na kasapi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

April 2010 nang italagang obispo si Bishop Santos sa Diocese of Balanga kasunod ng pagiging Rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma.

Makalipas ang isang dekada pangangasiwaan naman ng obispo ang mahigit tatlong milyong mananampalataya ng Diocese of Antipolo na may mahigit 70 mga parokya na binubuo ng Marikina City at buong lalawigan ng Rizal.

Bukod sa 200 mga pari katuwang ni Bishop Santos sa pagpapastol ng diyosesis si Auxiliary Bishop Nolly Buco kasama sina Bishop De Leon at Bishop Gabriel Reyes na pawang retiradong obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 6,689 total reads

 6,689 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 48,691 total reads

 48,691 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 155,567 total reads

 155,567 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 200,234 total reads

 200,234 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 222,198 total reads

 222,198 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top