ICC, pinuri ng iDefend

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,606 total reads

Pinuri ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDefend) ang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon sa ‘war on drugs’ ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa iDefend, kahanga-hanga ang paninindigang ng ICC na bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan at walang awang pagpaslang sa ilalim ng marahas kampanya kontra ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte sa bansa.

“In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDefend) lauds the ICC decision and supports its sustained investigation into the Philippine human rights situation. We further commend the international community’s unrelenting support to the cause of justice.” Ang bahagi ng pahayag ng iDefend.

Nagpahayag rin ng paghanga ang iDefend sa mga kaanak at survivor ng war on drugs na mariing nagsulong ng pagkamit ng katarungan para sa lahat ng mga biktima ng karahasan sa bansa.

Tinukoy ng iDefend ang pagpupursige ng bawat isa upang makamit ang katarungang panlipunan at mapanagot ang lahat ng mga nasa likod ng marahas na war on drugs sa bansa.

“Lastly, we commend the survivors and victims’ families whose collective courage pushes the wheels of international justice to turn. In the end their struggle benefits all of us who pray such a war, the impact of which will be felt for generations, is never imposed on us again.” Ayon pa sa iDefend.

Muli namang nanawagan ang human rights group sa kasalukuyang administrasyong Marcos na tuluyang isantabi ang marahas na war on drug ng nakalipas na administrasyong Duterte at makibahagi sa imbestigasyong isinasagawa upang bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9 na libo katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20-libo ang mga nasawi.

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 1,301 total reads

 1,301 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 102,365 total reads

 102,365 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 137,043 total reads

 137,043 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 160,450 total reads

 160,450 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 196,936 total reads

 196,936 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 208,715 total reads

 208,715 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top