PNP-Chaplain Service, tiniyak ang pagpapalago sa buhay espiritwal at moralidad ng PNP personnels

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,374 total reads

Inihayag ng Philippine National Police – Chaplain Service ang pagpapatuloy sa mahigit tatlong dekadang mandato nito na gabayan ang buhay espiritwal at moralidad ng mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Rev. Msgr. Jason Ortizo sa paggunita ng ika-31 anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP-Chaplain Service.

Ayon sa Pari, makalipas ang tatlong dekada ay makakaasa ang lahat sa pagpapatuloy at higit pang pagpapaigting ng PNP-Chaplain Service sa pagkakaloob ng serbisyong pastoral at mga programa para sa mga kawani ng PNP at kanilang pamilya.

“We humbly proclaim that for over 3-decades the Chaplain Service continues to obtain major milestone of pastoral service as well as spiritual guidance and counselling to all PNP personnel and dependents regardless of any religious affiliations.” Ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Ortizo.

Iginiit ng opisyal na mahalaga ang misyon ng PNP-Chaplain Service sa organisasyon upang maisulong ang malalim na buhay espiritwal ng lahat bilang pundasyon sa pagkakaroon ng naangkop na disiplina at makataong pagpapatupad ng batas sa bansa.

Inihayag rin ni Msgr. Ortizo ang pagsusumikap ng PNP-Chaplain Service na makapaghatid ng tapang at pag-asa sa gitna ng kawalang katiyakan, gayundin ang pagsusulong ng pagkakaisa sa loob mismo ng ahensya.

“Through the years we journey across the PNP organization lobbying that faith and spirituality are essential pillars that uphold the values and integrity of police service, we bring comfort in times of distress, hope in moment of despair, guidance when faced with difficult decisions, encouragement in times of adversity, and a sense of unity within our PNP family.” Dagdag pa ni Msgr. Ortizo.

Nilinaw naman ni Msgr. Ortizo na ang pagpapalawig ng PNP-Chaplain Service sa mga programa nito ay hindi lamang para sa mga kawani ng PNP na mga Kristiyano kundi maging para sa lahat ng alagad ng batas na may ibang paniniwala at pananampalataya.

Pinangunahan ni Acting Deputy Chief, PNP for Administration PLTGEN Rhodel O. Sermonia ang pagdiriwang ng PNP Chaplain Service 31st Founding Anniversary ngayong taon na may temang “Living the Call with Humanity, Building Resilience, and Sustaining Excellent and United Services”.

Sa tala, aabot sa 190,000 ang bilang ng mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na ginagabayan ng PNP-Chaplain Service mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,263 total reads

 54,263 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,699 total reads

 133,699 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,144 total reads

 167,144 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,442 total reads

 202,442 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,798 total reads

 426,798 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top