Pagtatayo ng mission stations sa Diocese of Legazpi, pinalawak ni Bishop Baylon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,818 total views

Pinaiigting ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang misyon ng simbahan sa nasasakupang kawan.

Itinatag ng Diocese of Legazpi nitong July 1, 2023 ang tatlong bagong mission churches na makatutulong sa paghuhubog ng espiritwalidad ng halos isa punto limang milyong katoliko sa lalawigan ng Albay.

Sa kautusan ng obispo itinatag ang mission churches sa Naga (Baño) sa Tiwi na binubuo ng mga Barangay Sogod, Cale, Putsan at Cararayan; PARMABICQ sa Camalig na binubuo ng Barangay Pariaan, Manawan, Binanderahan, Cabraran Pequeño at Quinartilan; at ang San Jose sa Malilipot na binubuo ng Barangay Binitayan, San Roque at Calbayog.

“These new missions are aimed at fostering a deeper spiritual life and strengthening the bonds of faith within our communities.” bahagi ng pahayag ni Bishop Baylon.

Itinalaga ni Bishop Baylon si Fr. Cipriano Ante na mangasiwa sa Naga (Baño), si Fr. Alwin Relorcasa naman sa PARMABICQ habang si Fr. Diogenes Barja naman sa San Jose.

Bukod sa mga pari nagtalaga rin ang obispo ng mga seminarista na magiging katuwang sa mga Mission Priests sa pagsasagawa ng pag-aaral at pagbibigay katesismo sa mamamayan sa mga turo ng simbahan bilang paghahanda sa pagtatag ng Quasi – Parish.

Mananatili hanggang November 2023 ang mga seminarista sa nasabing mga lugar upang makipag-ugnayan sa pamayanan at tuklasin ang higit na pangangailangan gayudin ang kahandaan sa posibleng pagbuo ng bagong parokya.

Sa datos ng Catholic Hierarchy mula nang maitatag ang Diocese of Legazpi noong 1951 nasa 49 na ang parokya nito kung saan katuwang ni Bishop Baylon sa pagpapastol ang mahigit sa 100 mga pari.

Hiling ng obispo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa mga pari at seminarista na inatasan sa bagong mission churches para sa matagumpay na gawaing pagpapastol.

“Let us keep our Mission Priests and the assigned Prediaconal Seminarians in our prayers as they undertake this important work for the growth and spiritual well-being of our Diocese. May the Holy Spirit guide and inspire them in their endeavors.” ani ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,494 total views

 51,494 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,363 total views

 47,363 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,565 total views

 83,565 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 92,161 total views

 92,161 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 117,136 total views

 117,136 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top