Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagong Egay, panalangin ni Bishop Jaucian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,320 total reads

Ipinapanalangin ni Abra Bishop Leopoldo Jaucian ang kaligtasan ng lahat mula sa hagupit ng Bagyong Egay na nakakaapekto sa hilagang bahagi ng Luzon.

Hiling ni Bishop Jaucian na sa kabila ng malalakas na pag-uulan at hanging dala ng bagyo ay walang maging malaking pinsala na makakaapekto sa buhay ng mga tao.

“Amang makapangyarihan, hinihiling namin ang inyong proteksyon para sa safety ng bawat isa at sa pamamagitan ng tulong ng mahal na Ina at ng mga Santo na sa pamamagitan ng kanilang mga tulong ay pagkalooban tayo ng protection lalong lalo na sa hagupit ng Bagyong Egay. Hinihiling namin ito sa ngalan ng ating Panginoong Hesukristo,” panalangin ni Bishop Jaucian mula sa panayam ng Radio Veritas.

Sa kasalukuyan, ayon sa obispo ay nananatiling walang kuryente at signal sa buong lalawigan dahil na rin sa malalakas na hanging dala ng Bagyong Egay.

Paalala naman ni Bishop Jaucian sa mamamayan ng Northern Luzon na manatili lamang sa loob ng mga tahanan upang higit na matiyak ang kaligtasan mula sa kalamidad.

“Mga kababayan lalong lalo na dito sa Northern Luzon na binabayo ngayon ng Bagyong Egay, manatili po tayo sa ating mga bahay sapagkat ang lakas-lakas po ng ulan at hangin, at ang karamihan pati dito sa Abra’y wala pang kuryente. So manatili po tayo sa loob ng ating mga bahay. Keep safe mga kapatid at manalangin po tayo,” ayon kay Bishop Jaucian.

Iniulat naman ng Northern Luzon Social Action Centers ang kalagayan ng mga diyosesis kasabay ng pananalasa ng Bagyong Egay.

Ayon kay Tuguegarao SAC Director Fr. Andy Semana, nananatili ang lakas ng hangin at ulan sa Cagayan, at wala pang natatanggap na ulat ng mga nasaktan mula sa kalamidad.

Malakas din ang hangin at ulan sa Vigan ayon kay Nueva Segovia SAC Director Fr. Danilo Martinez, habang gayundin ang kalagayan sa Ifugao at Mountain Province ayon naman sa ulat ni Fr. Apol Dulawan ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe.

Dagdag ni Fr. Dulawan, may naiulat na pinsala sa ilang simbahan sa bikaryato kung saan mayroong mga nabasag na bintana dahil sa lakas ng hangin.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, nag-landfall na ang Bagyong Egay sa Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, at napanatili ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 km/h, habang kumikilos patungong Timog-kanluran sa bilis na 15 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,481 total reads

 56,481 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,767 total reads

 135,767 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,212 total reads

 169,212 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,510 total reads

 204,510 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,759 total reads

 428,759 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,178 total reads

 157,178 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top