Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PNP-Chaplain Service, tiniyak ang pagpapalago sa buhay espiritwal at moralidad ng PNP personnels

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,226 total views

Inihayag ng Philippine National Police – Chaplain Service ang pagpapatuloy sa mahigit tatlong dekadang mandato nito na gabayan ang buhay espiritwal at moralidad ng mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Rev. Msgr. Jason Ortizo sa paggunita ng ika-31 anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP-Chaplain Service.

Ayon sa Pari, makalipas ang tatlong dekada ay makakaasa ang lahat sa pagpapatuloy at higit pang pagpapaigting ng PNP-Chaplain Service sa pagkakaloob ng serbisyong pastoral at mga programa para sa mga kawani ng PNP at kanilang pamilya.

“We humbly proclaim that for over 3-decades the Chaplain Service continues to obtain major milestone of pastoral service as well as spiritual guidance and counselling to all PNP personnel and dependents regardless of any religious affiliations.” Ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Ortizo.

Iginiit ng opisyal na mahalaga ang misyon ng PNP-Chaplain Service sa organisasyon upang maisulong ang malalim na buhay espiritwal ng lahat bilang pundasyon sa pagkakaroon ng naangkop na disiplina at makataong pagpapatupad ng batas sa bansa.

Inihayag rin ni Msgr. Ortizo ang pagsusumikap ng PNP-Chaplain Service na makapaghatid ng tapang at pag-asa sa gitna ng kawalang katiyakan, gayundin ang pagsusulong ng pagkakaisa sa loob mismo ng ahensya.

“Through the years we journey across the PNP organization lobbying that faith and spirituality are essential pillars that uphold the values and integrity of police service, we bring comfort in times of distress, hope in moment of despair, guidance when faced with difficult decisions, encouragement in times of adversity, and a sense of unity within our PNP family.” Dagdag pa ni Msgr. Ortizo.

Nilinaw naman ni Msgr. Ortizo na ang pagpapalawig ng PNP-Chaplain Service sa mga programa nito ay hindi lamang para sa mga kawani ng PNP na mga Kristiyano kundi maging para sa lahat ng alagad ng batas na may ibang paniniwala at pananampalataya.

Pinangunahan ni Acting Deputy Chief, PNP for Administration PLTGEN Rhodel O. Sermonia ang pagdiriwang ng PNP Chaplain Service 31st Founding Anniversary ngayong taon na may temang “Living the Call with Humanity, Building Resilience, and Sustaining Excellent and United Services”.

Sa tala, aabot sa 190,000 ang bilang ng mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na ginagabayan ng PNP-Chaplain Service mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 98,383 total views

 98,383 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 144,106 total views

 144,106 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 146,316 total views

 146,316 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 216,335 total views

 216,335 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 221,130 total views

 221,130 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 1,860 total views

 1,860 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top