Mga biktima ng Bagyong Nona, patuloy ang pasasalamat sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 351 total views

Patuloy pa rin ang pasasalamat ng mga biktima ng Bagyong Nona sa Calapan Oriental Mindoro, isang taon na ang nakalilipas.

Binalikan naman ng Apostolic Vicariate of Calapan Oriental Mindoro ang naging pinsala ng bagyong Nona sa lalawigan sa unang anibersaryo nito.

Ayon kay Fr. Edgar Fabic, Social Action Director ng nasabing lalawigan, ngayong araw ay katuwang nila ang mga kinatawan mula sa NASSA-Caritas Philippines at Caritas Germany upang alamin ang mga pagbabago sa mga naapektuhan sa pamamagitan ng mga ginawa nilang programa.

Sinabi ni Fr. Fabic, ang Caritas Philippines at Caritas Germany ang nanguna sa pangangasiwa ng mga proyektong pabahay, livelihood, sanitation at Capacity Building.

Pinasalamatan din ni Fr. Fabic ang Caritas Manila na isa sa mga unang tumugon sa kanilang pangangailangan lalo na sa rehabilitasyon gaya ng mga gamit sa pagpapatayo ng mga bahay.

Naniniwala ang Pari na ang karanasan na kanilang natutunan mula sa bagyong Nona ay magsisilbing gabay upang magkaroon sila ng mas sapat na kahandaan lalo na sa mga posible pang maganap na kalamidad.

“Reflection po kami today sponsored ng CBCP-NASSA sa naging project through Caritas Germany. Kasama po namin today ang team at mga partner beneficiaries for evaluation. Project covers shelter, livelihood, sanitation and capacity building Help through other funders like Caritas Manila also was a big help for the beneficiaries in barangays of Baco town in terms of materials for partially damaged houses. Sharing of experiences will help us in the provincial level to improve our strategies in the future,” mensahe ni Fr. Fabic sa Radio Veritas.

Mahigit 168,000 kabahayan ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Nona kung saan 42 ang naitalang nasawi.

Agad namang tumugon ang Simbahang Katolika sa mga diocese na naapektuhan ng bagyo sa pamamagitan ng paggamit ng pondo mula sa Alay Kapwa kung saan umabot sa halagang P3.6 milyon ang paunang inilabas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 64,212 total views

 64,212 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 87,371 total views

 87,371 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 108,645 total views

 108,645 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 274,670 total views

 274,670 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 72,299 total views

 72,299 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top