Ang dugo ay buhay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,774 total reads

Ito ang paksa ng pagninilay ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pinangunahang Misa para sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Sa ginanap na banal na Misa sa Sto. Domingo Church sa Quezon City, sinabi ni Archbishop Villegas na ang dugong dumadaloy sa bawat nilalang ay patunay ng pag-ibig ng Diyos at nangangahulugang dapat higit na bigyang-pagpapahalaga ang kasagraduhan ng buhay.

Inihalimbawa ng arsobispo ang pag-aalay ng buhay ng Panginoong Hesukristo kung saan dumanak ang dugo para sa katubusan ng kasalanan ng sanlibutan.

“Ang dugo ni Hesus ay para sa mundo. Ang dugo ni Hesus ay para sa walang hanggan. Ang dugo ni Hesus ay buhay para sa mga patay. Ang dugo ni Hesus ay hamon na maghandog din tayo ng buhay para sa kapwa,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Villegas.

Iniugnay naman ito ni Archbishop Villegas sa pag-aalay ng buhay ni Ninoy Aquino upang makamtan ng bawat Filipino ang kasarinlan mula sa madilim na panahon ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Pagbabahagi ng arsobispo na Agosto 21, 1983, 40 taon na ang nakalilipas, nang dumanak ang dugo sa pinaslang na senador sa tarmac ng noo’y Manila International Airport (ngayo’y Ninoy Aquino International Airport), matapos na barilin ni Rolando Lagman.

Binigyang diin ni Archbishop Villegas, na noo’y seminarista pa lamang, na ang pangyayaring ito ang nagbunsod sa mapayapang himagsikan ng mga Filipino upang makalaya ang Pilipinas sa malupit na pamumuno ng diktaduryang Marcos, Sr.

“Nagising na kami. Hindi na kami babalik sa dilim. Hindi na pipikit. Hindi ka nag-iisa. ‘Yun ang binhi na ipinunla sa tarmac na namunga nang mapayapang pagbabago sa EDSA People Power 1986. Walang namatay at pinatay sa EDSA People Power. Hinayaang tumakas na buhay ang diktador. Ang dugo sa tarmac ay bumangon, lumipad, at tumimo sa puso ng Pilipinong nagising at ayaw nang pumikit pang muli,” saad ng arsobispo.

Higit isang libong mga tagasuporta ng yumaong senador ang nakibahagi sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kanyang kamatayan, kung saan nagsagawa muna ng motorcade mula Baclaran Church sa Parañaque patungong Sto. Domingo Church sa Quezon City.

Kasama ni Archbishop Villegas sa banal na pagdiriwang sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; Cubao Bishop Honesto Ongtioco; Novaliches Bishop Roberto Gaa; Parañaque Bishop Jessie Mercado; at Antipolo Bishop Emeritus Francis de Leon.

Dumalo rin sa pagtitipon ang pamilyang Aquino sa pangunguna nina Balsy at Viel, gayundin sina 1986 Philippine Constitutional framer at dating Associate Justice Adolfo Azcuna; dating Senate President Franklin Drilon; dating bise-presidente Leni Robredo; dating senador Kiko Pangilinan; dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno; at Liberal Party secretary-general Teddy Baguilat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 113,436 total reads

 113,436 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 145,165 total reads

 145,165 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 246,991 total reads

 246,991 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 287,550 total reads

 287,550 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 303,225 total reads

 303,225 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 139,078 total reads

 139,078 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top