Pagtutulungan, apela ng Obispo sa mga bumubuo ng education sector

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,855 total reads

Kinakailangan ng mga bumubuo sa sektor ng edukasyon ang pagtutulungan sa pagtatagumpay ng bagong taon ng pag-aaral.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao – Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral ngayong Agosto sa mga pribadong paaralan at sa August 29 naman sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa Obispo, mahalagang maisabuhay ng mga principal, guro at kawani ng mga paaralan ang matuwid na pangangasiwa sa kapakanan ng mga estudyante.

Kinakailangan ding maisulong ang bagong pamamaraan ng pagtuturo na nagbibigay sigla at inspirasyon sa mga estudyante upang pumasok.

“Teachers are asked to be the “Jack of All Trades” in the school which is a tall order, kaya dapat ay sumailalim sila sa tunay na capacity building, genuine retooling of their skills and abilities and trainings for creative way of imparting knowledge to make their subject matters as interesting as possible, since when they face their students each day, they must know that they teach not only in words but most importantly in their actions. Let their words and actions speak, explain and teach the truth about life.” Ayon sa mensahen ipinadala ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.

Paalala naman ng Obispo sa mga kabataang mag-aaral ang pakikinig, pagsunod at higit na pagkilala sa sakripisyo ng kanilang mga guro upang makapagturo at maisalin ang mga mahahalagang kaalaman.

Hinimok naman ni Bishop Mangalinao ang mga magulang at legal guardians na makipagtulungan at maayos na pakikipag-ugnayan sa mga educators upang sama-samang matugunan ang mga pangangailangan at suliranin ng mga estudyante.

“Sabi nga, ‘It takes a village to raise a child with enough intelligence to go through life! but it takes God to help a child to go from this life to eternal life!’ So it is a must for all school personnel and stakeholders to know this early that all of our common effort will be in vain without God in our very own hearts and minds and souls as our moral compass Let God be God in us and we he will show us the way.” ayon pa sa mensahe ng Obispo para sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral.

Sa tala, inaasahan ng Department of Education na mahigitan o umabot sa 28-milyong mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang mag-enroll para sa School Year 2023-2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 37,463 total reads

 37,463 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 59,662 total reads

 59,662 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 96,162 total reads

 96,162 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 316,789 total reads

 316,789 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 349,265 total reads

 349,265 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top