Opisyal ng Vatican, pinangunahan ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen ng Malate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,093 total reads

Nakaugat sa pagkahari ng Panginoong Hesus na piniling makiisa sa sangkatauhan- ang Pagka Reyna ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang buod ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, D.D., Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization sa pagdiriwang ng kapistahan ng pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen ng Banal na Santatlo sa Santisima Trinidad Parish Malate, Manila.

Ayon sa Cardinal, mahalagang maalala ng mananampataya ang kadakilaan ni Maria na malugod na tinanggap ang iniatang na misyon na maging ina sa Lupa ni Hesus.

“Tinanggap niya ang paanyaya ng Diyos Ama para maging Ina ng Diyos Anak sa biyaya ng Espiritu Santo, tinanggap niya maging ina ng Hari na isisilang, at siya ay naging hindi lamang ina kungdi alagad ni Hesus, kumbaga siya ang uliran na pinagharian ni Hesus, at bilang tao, bilang ina na tao itinuro rin niya kay Hesus itong mahahalgang aral tungkol sa pagiging mabuti niyang Hari, halimbawa,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Tagle.

Mensahe naman ni Fr. Carmelo Arada, Jr – Parish Priest ng Santisima Trinidad Parish Malate, ang pagpapatuloy ng pananalangin para sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang matupad ang mga mabubuting hangarin sa buhay.

Ayon sa Pari, katulad ng pamayanan ng Malate Manila, nawa ay paigtingin ng mga mananampalataya na gawing huwaran ang Mahal na Birheng Maria sa pagtupad ng mga iniatang na misyon sa kaniya ng Panginoon.

“Si Maria yung huwaran natin bilang tagasunod ni Hesus at inaanyayahan tayo na tuluran natin siya sa kaniyang malalim na pananampalataya at malawig na pagmamalasakit at yung kaniyang buhay ay laging nakaturo sa Diyos, hindi sa kaniyang sarili kungdi sa Diyos, at gayundin din ang buhay ng bawat kristiyano na laging patotoo sa pagmamahal ng Diyos,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Father Arada.

Nawa ayon pa kay Fr. Arada ay manatili din ang pananalangin para sa pamamagitan ni Maria upang maipag-adya ang sanlibutan sa anumang kapamahakan at banta ng digmaan o anumang uri ng sigalot.

Hinimok rin ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya nq iwaksi ang gawain ng mga nagpapanggap na Hari, Reyna o Pinuno na inilalagay sa kahirapan at kalbaryo ang pamumuhay ng kanilang mga dapat na pinamumunuang mamamayan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 4,273 total reads

 4,273 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,779 total reads

 56,779 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 142,145 total reads

 142,145 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,881 total reads

 188,881 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,753 total reads

 236,753 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,907 total reads

 337,907 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 4,275 total reads

 4,275 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top