Youth Commission ng Caceres, nangangailangan ng ‘foster families’ para sa Marian Youth Congress

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,327 total reads

Nananawagan ang Caceres Youth Commission sa mga mananampalataya ng Archdiocese of Caceres para magsilbing foster families sa mga kabataang delegado ng Marian Youth Congress sa Arkidiyosesis ng Caceres.

Hinihikayat ng arkidiyosesis ang mga pamilya lalo na sa mga lugar sa Naga City, Canaman at Camaligan na buksan ang kanilang tahanan sa mga kabataan na dadalo sa pagtitipon na gaganapin sa September 9-10.

Bukod sa dalawang araw na pansamantalang tutuluyan, kabilang sa magiging tungkulin ng foster families ang paghahanda ng pagkain at pakikisalo sa mga delegado; pakikibahagi sa pananalangin at pagninilay ng mga kabataan; at ang pagbabahagi ng mga bagong karanasan mula sa iba’t ibang lugar sa arkidiyosesis.

Una ng inihayag ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na ang Marian Youth Congress ay isang paanyaya sa mga kabataan na magsama-sama upang manalangin, at higit na pag-alabin ang pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos.

“Isang importante, mahalaga at banal na pagdiriwang ang gagawin natin sa September 9 to 10, 2023 ang Marian Youth Congress. Ang Marian Youth Congress ay paanyaya ng Mahal na Birhen na tayong mga kabataan magsama-sama upang manalangin, damahin natin ang ating Mahal na Birhen bilang Ina, isang Inang gumagabay.” Ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Tirona.

Ayon sa Arsobispo, ang dalawang araw na pagtitipon ay isang pagkakataon upang mapagbuklod ang mga kabataan sa arkidiyosesis na imulat ang kanilang kamalayan sa mahalagang gampanin hindi lamang sa lipunan kundi bilang katuwang ng Simbahan sa misyon na palaganapin ang kaharian ng Panginoon.

“Panahon din ito na muli nating isipin, akuin, tanggapin at isagawa ang hamon sa atin ng Simbahan na tayo’y maging mga apostol, alagad… lalong lalo na sa ating mga kapwa kabataan.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.

Ang taunang Marian Youth Congress ng Arkidiyosesis ng Caceres ay bahagi ng paggunita sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na Patron ng Bicol region.

Tema ng 2023 Peñafrancia Fiesta ang “Journeying with Inâ in deepening our relationship with God in these challenging times” na layuning paigtingin ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia bilang katuwang at kaagapay sa higit na paglapit sa Panginoon.

Ang Nuestra Señora De Peñafrancia ang itinuturing na patron ng Bicol region kung saan nakalagak ang canonically crowned image ng Mahal na Ina sa National Shrine and Basilica Minore of Our Lady of Peñafrancia sa Naga City.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,053 total reads

 2,053 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,480 total reads

 53,480 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,846 total reads

 138,846 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,582 total reads

 185,582 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,453 total reads

 233,453 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,865 total reads

 334,865 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top