Augustinian Recollects, kinilala ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,096 total views

Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mananampalataya ng Palawan na alalahanin ang mga ninunong nagpamana ng kristiyanismo sa lalawigan.

Ayon kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, nararapat na pasalamatan ang mga nagpayabong ng pananampalatayang kristiyano makalipas ang 400 taon.

“Think of the people who pass the faith to you, who handed that light to you, imitate their faith, allow that light that they give to you to shine in your lives, walk on the footsteps of those who have gone before you in Palawan for 400 years.” bahagi ng mensahe ni Archbishop Brown.

Pinasalamatan at kinilala ng kinatawan ni Pope Francis sa natatanging pagkakataon ang Augustinian Recollects na kauna-unahang misyonerong naghasik ng binhi ng kristiyanismo sa Cuyo Island noong 1622.

Batid ni Archbishop Brown ang mga sakripisyong inalay ng mga Recolleto lalo’t malaking hamon ang kinakaharap ng mga misyonero kahit noong panahon ni Hesus.

Ikinalugod ng nuncio na makalipas ang apat na sentenaryo ay higit na lumago ang pamayanang kristiyano sa Palawan na sa kasalukuyan ay may humigit kumulang sa isang milyon na pingasiwaan ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa Southern Palawan at Apostolic Vicariate of Taytay naman sa Northen part ng lalawigan.

Bago ang misa pasasalamat na pinangunahan ni Archbishop Brown ay nagtipon ang 67 parokya ng dalawang bikaryato kasama ang iba’t ibang sectoral groups at mga opisyal ng Palawan sa isang Prusisyon ng Pasasalamat mula sa Old Airport ng Puerto Princesa patungong Immaculate Conception Cathedral kung saan ginanap ang Banal na Eukaristiya.

Tampok sa prusisyon ang mga imahe nina St. Joseph Husband of Mary, St. Joseph the Worker, St. Augustine, St. Ezeqiel Moreno, Immaculate Conception, at ang Jubilee Cross.

Bukod nina Bishop Socrates Mesiona at Bishop Broderick Pabillo, nakiisa rin sa pagtitipon si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Bishop Edgardo Juanich, Surigao Bishop Antonieto Cabajog at Military Bishop Oscar Jaime Florencio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 4,107 total views

 4,107 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 32,112 total views

 32,112 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 49,912 total views

 49,912 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 49,746 total views

 49,746 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 162,159 total views

 162,159 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 5,922 total views

 5,922 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top