Youth Commission ng Caceres, nangangailangan ng ‘foster families’ para sa Marian Youth Congress

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,269 total reads

Nananawagan ang Caceres Youth Commission sa mga mananampalataya ng Archdiocese of Caceres para magsilbing foster families sa mga kabataang delegado ng Marian Youth Congress sa Arkidiyosesis ng Caceres.

Hinihikayat ng arkidiyosesis ang mga pamilya lalo na sa mga lugar sa Naga City, Canaman at Camaligan na buksan ang kanilang tahanan sa mga kabataan na dadalo sa pagtitipon na gaganapin sa September 9-10.

Bukod sa dalawang araw na pansamantalang tutuluyan, kabilang sa magiging tungkulin ng foster families ang paghahanda ng pagkain at pakikisalo sa mga delegado; pakikibahagi sa pananalangin at pagninilay ng mga kabataan; at ang pagbabahagi ng mga bagong karanasan mula sa iba’t ibang lugar sa arkidiyosesis.

Una ng inihayag ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na ang Marian Youth Congress ay isang paanyaya sa mga kabataan na magsama-sama upang manalangin, at higit na pag-alabin ang pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos.

“Isang importante, mahalaga at banal na pagdiriwang ang gagawin natin sa September 9 to 10, 2023 ang Marian Youth Congress. Ang Marian Youth Congress ay paanyaya ng Mahal na Birhen na tayong mga kabataan magsama-sama upang manalangin, damahin natin ang ating Mahal na Birhen bilang Ina, isang Inang gumagabay.” Ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Tirona.

Ayon sa Arsobispo, ang dalawang araw na pagtitipon ay isang pagkakataon upang mapagbuklod ang mga kabataan sa arkidiyosesis na imulat ang kanilang kamalayan sa mahalagang gampanin hindi lamang sa lipunan kundi bilang katuwang ng Simbahan sa misyon na palaganapin ang kaharian ng Panginoon.

“Panahon din ito na muli nating isipin, akuin, tanggapin at isagawa ang hamon sa atin ng Simbahan na tayo’y maging mga apostol, alagad… lalong lalo na sa ating mga kapwa kabataan.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.

Ang taunang Marian Youth Congress ng Arkidiyosesis ng Caceres ay bahagi ng paggunita sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na Patron ng Bicol region.

Tema ng 2023 Peñafrancia Fiesta ang “Journeying with Inâ in deepening our relationship with God in these challenging times” na layuning paigtingin ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia bilang katuwang at kaagapay sa higit na paglapit sa Panginoon.

Ang Nuestra Señora De Peñafrancia ang itinuturing na patron ng Bicol region kung saan nakalagak ang canonically crowned image ng Mahal na Ina sa National Shrine and Basilica Minore of Our Lady of Peñafrancia sa Naga City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 34,863 total reads

 34,863 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 57,062 total reads

 57,062 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 93,562 total reads

 93,562 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 314,187 total reads

 314,187 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 346,794 total reads

 346,794 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top