Caritas Philippines,tutol sa pagtatapon ng Japan ng nuclear waste sa Pacific Ocean

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,085 total views

Pinuna ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Japan na magtapon ng kontaminadong tubig sa Pacific Ocean mula sa Fukushima nuclear power plant.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pasya ng pamahalaan ng Japan ay magdudulot na labis na kapahamakan sa kalusugan ng tao at kapaligiran.

Kaisa ang Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conferences ng Japan at South Korea upang mahigpit na tutulan ang planong pagtatapon ng mapanganib na tubig sa karagatan.

“We call on the Japanese government to reconsider its decision and to find a safe and responsible way to dispose of the contaminated water.” panawagan ni Bishop Bagaforo.

Bukod dito, nananawagan din si Bishop Bagaforo sa pamahalaan ng Pilipinas na huwag nang ituloy ang anumang planong pagtatayo o pagbuhay sa nuclear power plant sa bansa dahil sa negatibong epekto ng radioactive materials.

Halimbawa nito ang Bataan Nuclear Power Plant na itinayo sa panahon pa ng diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nananatiling sarado dahil sa patuloy na pagtutol ng iba’t ibang grupo at simbahan.

“Nuclear energy is not a safe or sustainable option for the Philippines. Maybe this is our warning that nuclear energy is still not a viable, pro-poor and pro-environment solution.” ayon kay Bishop Bagaforo.

Iminungkahi naman ng obispo sa pamahalaan na mamuhunan sa renewable energy upang patuloy na maisulong ang malinis, ligtas, at abot kayang enerhiya para sa lahat.

“Renewable energy is the future of our planet, and it is the only way to ensure a clean and healthy environment for future generations.” saad ng obispo.

Nagsimulang magpakawala ng ‘treated wastewater’ ang Japan nitong Agosto 24, 12 taon matapos mapinsala ng malakas na paglindol at tsunami ang Fukushima powerplant noong 2011.

Aabot sa 1,000 tangke na naglalaman ng higit isang milyong metrikong toneladang treated wastewater ang tatanggalin mula sa powerplant, at maaaring magtagal ang proseso sa loob ng 40 taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,182 total views

 56,182 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,051 total views

 52,051 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,253 total views

 88,253 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,674 total views

 96,674 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,317 total views

 121,317 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top