Samahan ng Lusog-Baga sa bawat diyosesis, pinaigting ng health ministry ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,650 total views

Pinalalawak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang programa upang isulong sa buong bansa ang pagkakaroon ng malusog na baga.

Ito’y ang Samahan ng Lusog-Baga (SLB) na binubuo ng mga pasyenteng gumaling sa Tuberculosis at iba pang karamdaman sa baga na layong ipalaganap ang mga kaalaman at pamamaraan upang makaiwas sa nakahahawang sakit.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, sinimulan ang SLB noong 2015, kung saan umabot na sa 13-chapter ang naitatag sa iba’t ibang arkidiyosesis at diyosesis sa buong bansa.

“Itong Samahang Lusog-Baga ay SEC [Securities and Exchange Commission] registered na ito under ng CBCP-Healthcare commission… This is made up of TB survivors, at the same time, ‘yung TB educators at parish-based volunteers natin. So, dito sila sumasama kasi inihahanda din natin ‘yung ating mga sarili sa totoong kaganapan ng Universal Health Care,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa mga lugar na may sangay ng SLB ay ang Archdiocese of Manila; Diocese of Cubao; Diocese of San Pablo, Laguna; Diocese of Lucena, Quezon; Archdiocese of Lipa, Batangas; Diocese of Balanga, Bataan; Archdiocese of Cebu, at Diocese of Mati, Davao Oriental.

Sinabi ni Fr. Cancino na nakatakda namang magtatag ng bagong SLB chapter sa Western Visayas Dioceses, partikular na sa Bacolod, Iloilo, Antique, at Capiz; at inaasahang madadagdagan pa para maipalaganap ang kaligtasan ng mamamayan mula sa epekto ng TB.

“Ito rin ay isang venue para magpalaganap ng Mabuting Balita. Nagkakaroon sila ngayon ng samahan para magbigay-kalinga din sa mga maysakit sa ospital at sa kanilang mga bahay. ito ay isang kongkretong hakbang talaga na ipinapakita ang layunin ng synod on synodality,” ayon kay Fr. Cancino.

Umaasa rin ang pari na sa pamamagitan ng SLB ay maiiwasan na ang diskriminasyon sa mga pasyenteng mayroong TB, at higit na maipadama ang pagmamalasakit na tiyak na makakatulong sa kanilang agarang paggaling.

Paalala naman ni Fr. Cancino sa publiko na sakaling magkaroon ng sintomas tulad ng pag-ubo na uamabot na sa dalawang linggo ay huwag mag-atubiling magpakonsulta sa mga dalubhasa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 22,404 total views

 22,404 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 55,486 total views

 55,486 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 83,837 total views

 83,837 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 151,568 total views

 151,568 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 173,066 total views

 173,066 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top