Pagsasampa ng PNP kaso sa nagprotesta sa SONA ng pangulong Marcos, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,594 total views

Kinundina ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDefend) ang kasong isinampa ng Quezon City Police laban sa mga nakibahagi sa isinagawang kilos protesta noong nakalipas na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa human rights group, maituturing na ‘harassment at intimidation’ ang hakbang ng polisya sa kabila ng kalayaan sa pagpapahayag ng bawat isa na nasasaad sa Saligang Batas.

Giit ng grupo, bahagi ng mga karapatan at kalayaan ng mamamayan sa isang demokratikong bansa ang ‘freedom of assembly and expression’ na siyang ipinamalas ng iba’t ibang mga grupo at batayang sektor sa pagsasagawa ng kilos protesta noong ika-24 ng Hulyo, 2023 kasabay ng ikalawang pag-uulat sa bayan ng pangulo.

“iDefend condemns the charges being filed by the Quezon City Police against its members for peacefully participating in the rallies during the previous State of the Nation Address of President Marcos Jr. This is harassment and intimidation and undermines constitutionally- guaranteed rights. We remind them that the highest law of the land, our Constitution, guarantees the right of the people to exercise the freedom of assembly and expression. Our Constitution instructs that “no law shall be passed abridging the right to freedom of expression”. Ang bahagi ng pahayag ng iDefend.

Ayon sa grupo, walang batayan ang kasong isinampa ng Quezon City Police sapagkat bagamat walang pormal na permit ang isinagawang pagkilos ay natapos naman ito ng maayos at mapayapa ng walang anumang tensyon o karahasan.

“The absence of a permit does not make the rally illegal, unless violence is committed. In fact, if the rally is without permit, the police is obligated to help prevent traffic congestion and allow voluntary dispersal. Since the SONA public action was held and ended peacefully, lauded by PNP itself post-SONA, there should be no cause for these charges.” Dagdag pa ng iDefend.

Una ng inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Nicolas D Torre III ang pagsasampa ng kaso sa ilang mga miyembro ng militanteng grupo na nakibahagi sa kilos protesta noong SONA dahil sa sinasabing paglabag sa Section 13 (a) ng Batas Pambansa Bldg. 880 o ang Public Assembly Act of 1985.

Sa tala, 14 na mga opisyal at miyembro ng iba’t ibang mga grupo ng batayang sektor ang kabilang sa sasampahan ng kaso ng Quezon City Police.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 27,524 total views

 27,524 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 60,606 total views

 60,606 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 88,957 total views

 88,957 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 156,688 total views

 156,688 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 177,883 total views

 177,883 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top