VeritasPH

The Word, The Truth

 902 total views

21st Sunday of Ordinary Time Cycle A

Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20

Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang palagay ng mga tao. Ginagamit ito sa pulitika, sa business at sa maraming pag-aaral. Sa panahon ng election maraming survey ang ginagawa kung sino ba ang iboboto ng mga tao. Ok lang na gawin ito pero sana naman makatotohanan ang mga survey kasi maaaring mangyari na minamanipula ang resulta ayon sa kagustuhan ng nagpapasurvey. Pero isa din na dapat nating alalahanin, na ang katotohanan ay hindi nanggagaling sa survey. Kahit na ang karamihan ay nagsasabi ng isang bagay, kung iyan ay masama, hindi iyan nagiging mabuti dahil sa iyan ay pinaniniwalaan ng mga tao. Ang kasinungalingan ay hindi nagiging totoo kasi iyan ang paniniwala ng nakararami. Ang pagpatay ay mali kahit na sinasang-ayunan ng karamihan. Kaya ang abortion ay masama kahit na sinasabi ng ibang bansa na ito ay bahagi ng reproductive health. Paano naging pangkalusugan ang pagpatay ng bata? Ang salitang “reproductive health” ay isa sa mga panlilinlang ngayon. Ito ay ang kalagayan na walang reproduction at walang health! Kaya mag ingat po tayo kasi may mga nagpapahiwatig na nagiging tama ang isang bagay kasi sinasabi ng survey.

Si Jesus ay nagsurvey din. Matagal-tagal na siyang nangangaral. Marami na siyang napagaling. Marami na ang sumusunod sa kanya. Sino kaya siya ayon sa mga tao? Ano ba ang palagay ng mga tao sa kanya? Kaya tinanong niya ang mga alagad niya: “Sino raw ako ayon sa mga tao?” Iba-iba ang sinasabi ng mga tao. “Ikaw daw ay si Juan Bautista na muling nabuhay. Ikaw daw ay si propeta Elias na darating. Ikaw daw ay si propeta Jeremias o isa sa mga propeta na bumalik uli.” Nagkaisa sila na si Jesus ay isang propeta, pero hindi nagkasundo kung sinong propeta.

Pero ang mahalaga kay Jesus ay hindi kung ano ang tingin ng mga tao sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ay kung ano ang tingin natin sa kanya. Kaya ang tanong niya: “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” Siguro napatigil silang lahat. Baka sila rin ay iba-iba ang pagkakilala nila kay Jesus. Ang nangahas na magsalita ay si Simon. Tumpak ang sagot niya: “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Tama ang sagot ni Simon hindi dahil sa mas magaling siya kaysa iba o mas matalino siya. Tumpak ang sagot niya kasi ipinakilala sa kanya ng Diyos Ama kung sino talaga si Jesus. Ang tunay na pagkilala kay Jesus ay hindi nanggagaling sa majority opinion o sa katalinuhan ng tao. Ito ay regalo ng Diyos. Ipinakikilala ng Diyos Ama ang Diyos Anak at dinadala ng Diyos Anak ang tao sa Diyos Ama. Iyan ay sa pamamagitan ng Espiritu Santo na siya ang Espiritu ng Katotohanan. Dahil sa pinili ng Diyos Ama si Simon kaya pinili din siya ni Jesus. Pinalitan ni Jesus ang kanyang pangalan. Hindi na siya si Simon kundi si Pedro na siya. Ang salitang Pedro ay nangangahulugan na bato. Si Bato na siya sapagkat sa batong ito itatayo ni Jesus ng kanyang simbahan. Matatag ang simbahan kasi ito ay nakatayo sa matatag na pananampalataya ni Pedro. Kahit na hampasin man ito ng malakas na hangin, ng alon, o ng baha mananatili itong nakatayo. Ni hindi ito masisira ng pag-aatake ng kapangyarihan ng kasamaan. Napatunayan na ito sa kasaysayan. Marami nang mga hari at generals ang umatake dito, nakatayo pa rin ang simbahan. May guarantee na binigay si Jesus. Garantisado ang simbahan.

Hindi lang ito iniingatan ni Jesus. Binigyan pa rin ng kapangyarihan si Pedro na magbigay ng wastong pagpapasya at katuruan sa simbahan. Ibinigay kay Pedro at sa kanyang mga kahalili ang kapangyarihan na mag-discern kung ano ang tama at ano ang mali. Kaya kung ano ang idiklara niyang tama dito sa lupa ay tama nga, pati na sa langit. Ano ang ipagbabawal niya sa lupa kasi ito ay mali, ang talagang mali pati na sa langit. Iyan ang kapangyarihan ng susi. Ang may hawak ng susi ay may kapangyarihan na magpapasok o magbawal.

Sa ating unang pagbasa kinuha kay Sabna ang susi sa palasyo ng hari sa Jerusalem. Tinanggal siya sa pagiging katiwala ng kaharian kasi naging mayabang siya. Ganoon siya kayabang na gusto niyang kilalanin siya kahit na patay na siya. Nagpapagawa na siya ng magarang libingan sa Jerusalem. Ibinigay ang susi, ang katungkulan na magiging katiwala, kay Eliaquim. Ibinigay sa kanya ang susi ng palasyo ni David. Walang makasasara sa bubuksan niya at walang makabubukas sa pinagsarhan niya. Siya na ang may kapangyarihan ng susi.

Sa ating ikalawang pagbasa nabanggit ni Pablo: “Hindi matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan. Mula sa kanya ang lahat ng bagay.” Pero sa kanyang kagandahang loob pinapaabot ng Diyos ang kanyang kalooban sa mga tao sa pamamagitan ng mga kahalili ni Pedro, ang mga santo papa. Ayaw ng Diyos na magkamali tayo sa pinakamahalagang kaalaman – ang daan patungong langit. Kung magkamali tayo tungkol sa business decisions natin, mawawalan tayo ng pera pero maaaring mabawi uli ito. Kung magkamali tayo sa ating kaibigan, maaari uling makipagkasundo. Pero kung maging mali ang daan natin sa kaligtasan, baka hindi na natin ito mabawi. Kaya sinisigurado ng Diyos na maging tama ang ating pagkilala sa kanya at tungkol sa mabuti. Binibigyan niya tayo ng maaasahang gabay.

Oo, nandiyan na ang Banal na Kasulatan. Dito matatagpuan ang Salita ng Diyos na isinulat sa gabay ng Espiritu Santo. Nakakasigurado tayo na ang nakasulat doon ay tama. Ginabayan ng Espiritu Santo ang mga manunulat ng Bible. Tama nga ang nakasulat, pero tama ba ang pag-unawa natin dito? Hindi naman nagsasalita ang Bible kung mali ang ating pag-unawa dito. Kaya tulad ng ang Espiritu Santo ay kumilos sa pagsulat ng Bibliya, ang Espiritu Santo ay kumikilos din sa simbahan na gumagabay sa atin sa wastong pag-unawa sa nakasulat sa Bible. Ang simbahang ito, ang simbahang katoliko, ay ginagabayan ng Santo Papa tungkol sa wastong pag-unawa. Siya ang may susi sa langit. Ang kanyang pahihintulutan sa lupa ay pahihintulutan sa langit. Magpasalamat tayo sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng wastong pananampalataya.

Kailangan natin ang bato ng pananampalataya ni Pedro sa ating panahon ngayon na maraming mga katuruan ay nagdadala sa atin sa kasamaan. Nandiyan ang Gender Ideology. Sa halip na tanggapin ang bigay sa kanila na kasarian ng Diyos na manlilikha at magpagmahal, karapatan daw ng bawat isa na pumili ng kanyang kasarian, ng kanyang gender. Hinihiwalay ang biological sex sa gender na gusto nila. Lalaki ang kanyang katawan pero gustong ituring siyang babae, at nagpapaopera pa nga para magmukhang babae. Sa halip na kilalanin na ang buhay ay biyaya na bigay ng Diyos na dapat pangalagaan, sinasabi ng ilan na sila ang may-ari ng kanilang buhay, kaya may karapatan silang magpakamatay. Sa halip na kilalanin na ang kayamanan ng mundo ay para sa lahat at dapat pakinabangan ng lahat, inaangkin ng iilan tao lamang ang kayamanan ng mundo kaya sa Pilipinas ang limampung pinakamayaman na Pilipino ay mas mayaman pa kaysa 60 milyong mga Pilipino. Kaya marami ang namamatay sa gutom pero may ilan na kumakain ng sopas na nagkakahalaga ng ten thousand pesos! Maraming mga pananaw sa mundo ngayon na hindi na naaayon sa plano ng Diyos. Kailangan natin ng gagabay sa atin sa katotohanan. Kailangan tayong makinig sa binigay ng Diyos na maaasahang gabay – ang bibliya, ang simbahan at ang Santo Papa na kahalili ni Pedro, ang bato na kinatatayuan ng katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 4,583 total views

 4,583 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 12,568 total views

 12,568 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 20,104 total views

 20,104 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 36,090 total views

 36,090 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 44,134 total views

 44,134 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,526 total views

 1,526 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,654 total views

 7,654 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,783 total views

 5,783 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,066 total views

 8,066 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 10,972 total views

 10,972 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 11,911 total views

 11,911 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 11,905 total views

 11,905 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,623 total views

 15,623 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,469 total views

 17,469 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,466 total views

 17,466 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 21,975 total views

 21,975 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,291 total views

 27,291 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,449 total views

 29,449 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,607 total views

 31,607 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 31,954 total views

 31,954 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top