Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

4P’s, kinilala ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 2,061 total views

Kinilala ng Caritas Philippines ang patuloy na pagsuporta ng mamamayan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ayon kay Caritas Philippine President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, malaking tulong ang programa upang magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng pera ang mga mahihirap na pamilya upang ipambili ng kanilang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
“We are glad that the public recognizes the importance of the 4Ps,” ayon sa mensahe ni Bishop Bagaforo.
Gayunpaman, muling ipinarating ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maayos na pamamaraan ng pagtulong sa mga mahihirap kung saan mabibigyan ang sektor ng pagkakataon na makapagtaguyod ng bago o sariling pagkakakitaan.
Ito ay sa pamamagitan ng mga inisyatibong lilikha ng sustainable at pantay na mga programang magbibigay ng ibat-ibang uri ng tulong sa mga pinakamahihirap na pamilya.
Umaasa ang Obispo na maiwasan rin ang pagsusulong ng pansariling interes at kapakanan ng mga pulitiko sa pagsusulong ng 4ps at mga inisyatibong itinataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
“However, we also need to ensure that the program is implemented in a way that is fair and sustainable and to ensure that the poorest and most marginalized people are prioritized. this should not be used to advance political interest, especially at the local level,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Bagaforo.
Unang tiniyak ni Jing Rey Henderson – Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines na hindi one-time-big-time ang mga tulong na ipinaparating ng Caritas Philippines sa benepisyaryo ng kanilang mga programa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,642 total views

 11,642 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,742 total views

 19,742 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,709 total views

 37,709 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,005 total views

 67,005 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,582 total views

 87,582 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 287 total views

 287 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 6,822 total views

 6,822 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top