Diocese of Malolos,nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Malolos Cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,104 total views

Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Malolos sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral, ibinahagi ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang lubos na pasasalamat sa pagkilala sa Malolos Cathedral na nagsilbing dating tahanan at tanggapan o Palacio Presidencial ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo na pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas.

“Maraming salamat po saksi ang katedral at simbahang ito sa mga mahahalagang tagpo sa ating kasaysayan tayo ang nagsilbing tahanan ng ating President Emilio Aguinaldo noong unang republika at ngayon ay buong puso nating tinatanggap ang pagkilala sa makasaysayang lugar na ito.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Villarojo.

Ibinahagi ni Obispo na mahalaga ang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa mahahalagang tagpo sa kasaysayan na nasaksihan ng Malolos Cathedral na isa ring paalala sa katotohanang magkaugnay ang mayamang kasaysayan ng isang bayan sa patuloy na pagpapalago ng pananampalataya sa Maykapal.

“Ito ay tanda na ang Simbahang ito ay lugar ng pananampalataya, pananalangin, pagkakaugnay, pagkakaugat sa malalim na kultura na mayroon tayo at mga makasaysayang kaganapan sa ating bansa. Tauspusong pasasalamat po sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa pagkilalang ito sa ating minamahal na simbahan Inmaculada Concepcion ng Lungsod ng Malolos.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Tiniyak naman ni Bishop Villarojo ang patuloy na pangangalaga at pagpapayabong sa misyon ng Malolos Cathedral hindi lamang sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon kundi maging sa paghuhubog sa mamamayan upang patuloy maging tagapagmana ng dakilang kasaysayan ng lalawigan sa pamamagitan na patuloy na pagsusulong ng kalayaan at demokrasya ng bansa.

Nakalimbag sa panandang pangkasaysayan na matatagpuan sa Malolos Cathedral ang mga katagang “Malolos: Landas ng Pagkabansang Pilipino 1898-1899” na kumikilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng Malolos, Bulacan bilang saksi sa pagkabansa ng Pilipinas na kauna-unahang republika sa buong Asya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 22,437 total views

 22,437 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,788 total views

 50,788 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 118,518 total views

 118,518 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 141,669 total views

 141,669 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 210,214 total views

 210,214 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top