Diocese of Kidapawan, naglabas ng gabay sa BSKE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,481 total views

Naglabas ng pastoral na alituntunin at panuntunan ang Diyosesis ng Kidapawan bilang gabay sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Nasasaad sa liham sirkular ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na may petsyang ika-6 ng Setyembre, 2023 ang atas para sa lahat ng opisyal at kasapi ng iba’t ibang mga organisasyon ng Simbahan sa diyosesis na nagnanais na tumakbo para sa anumang posisyon sa halalang pambarangay.

Ayon sa alituntunin ng diyosesis, bagamat suportado ng Simbahan ang aktibong partisipasyon ng mga layko sa usapin ng politika at pamamahala ay mahalaga ang pagiging patas ng Simbahan sa usapin at larangan ng pulitika sa bansa.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na nararapat maiwasan ang posibilidad sa pagkakaroon ng kalituhan pagdating sa paglilingkod at pagbabahagi ng serbisyo sa simbahan at sa anumang posisyon o katungkulan sa pamahalaan.
“The Church, in general, does not oppose lay people to participate in politics. The Church, in fact, recognizes this as a right of any individual to participate in the political arena for the service of their brothers and sisters. However, the Church, as an institution, maintains to be non-partisan. To avoid confusion when it comes to exercising service both in the Church and in public office and to guard our faithful against accusations of using the Church as partisan, this circular is issued.” Ang bahagi ng sirkular ni Bishop Bagaforo.

Kabilang sa atas ng Obispo na pansamantalang magbitiw sa katungkulan at magpaalam sa kanilang mga organisasyong kinabibilangan ang mga lingkod ng Simbahan na nagnanais na tumakbo sa anumang posisyon sa nakatakdang Barangay at SK Elections.

“Lay Leaders who wished to be elected as public officials should file a leave of absence addressed yo their respective parish priests.” Ayon kay Bishop Bagaforo.

Bukod dito, pinaalalahanan din ni Bishop Bagaforo ang mga pari ng diyosesis na hindi maaaring mag-endorso o pumuna ang mga lingkod ng Simbahan ng sinumang kandidato o political party lalo na mula sa pulpito.

Binalaan din ng Obispo ang mga pari mula sa pagtanggap ng anumang donasyon ng mga kandidato para sa Simbahan o gawaing pastoral.

Ayon kay Bishop Bagaforo, “Priest are instructed to Never Use the Pulpit to favor or denounce any candidate or political party.”

Umaasa naman ang Obispo na ganap na isabuhay ng mga layko na tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa barangay ang mga aral at turo ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsusulong ng Halalang Marangal kung saan higit na binibigyang halaga ang kapayapaan, katarungan at ang paglilingkod ng tapat para sa ikabubuti ng mas nakararami o ang common good.

“Those who seek to be elected in public office are exhorted to promote Halalang Marangal that will always protect and safeguard the sanctity of the votes of the citizens and will bring with them the values of Christ in this noble venture, prioritizing the common good, justice, and peace, with deep care and love for the poor and the neglected in the society, and motivated by the spirit of Christian service.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Batay sa liham sirkular maituturing ng nagbitiw sa katungkulan ang mga nagpasa ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) bagamat wala pang pormal na pagbibitiw sa mga organisasyon ng Simbahan sa diyosesis.

Batay sa Calendar of Activities ng COMELEC, nagsimula ang election period para sa halalang pambarangay noong ika-28 ng Agosto, 2023 na unang araw ng isang linggong paghahain ng COC, habang nakatakda naman sa ika-19 hanggang ika-28 ng Oktubre, 2023 ang campaign period para sa Barangay at SK Elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 41,096 total views

 41,096 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 69,101 total views

 69,101 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 86,901 total views

 86,901 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 85,133 total views

 85,133 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 194,500 total views

 194,500 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 1,854 total views

 1,854 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top