Alalahanin at ipanalangin ang mga biktima ng Batas Militar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,074 total views

Ito ang layunin ng isasagawang Mass for Martial Law Victims at the EDSA Shrine bilang paggunita sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law declaration ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Pangungunahan nina Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Yñiguez at Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias ang banal na misa sa Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine sa ika-21, ng Setyembre, 2023 ganap na alas-dose kinse ng tanghali.

Bahagi ng paanyaya ng pamunuan ng EDSA Shrine ang sama-samang pananalangin upang hindi na muling maulit pa ang itinuturing na madilim na kasaysayan ng bansa sa ilalim ng Batas Militar.

“NEVER AGAIN! We remember in our prayers the victims of Martial Law. We also pray that this darkest period in our history may never be repeated! Join us in the celebration of the Holy Eucharist to be presided by retired bishops Most. Rev. Deogracias Yñiguez and Most Rev. Antonio Tobias. Together we pray, NEVER AGAIN!” Ang bahagi ng paanyaya ng pamunuan ng EDSA Shrine.

Taong 1972 nang magdeklara ng Martial Law ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., September 23, 1972 ng malaman ng mamamayang Pilipino na nagsimula na ang Martial Law o ang Batas Militar sa ilalim ng administrasyon Marcos ngunit September 21, 1972 ang opisyal na petsang nakatala sa Proclamation 1081.

Batay sa kasaysayan at sa tala ng Amnesty International, samu’t saring pang-aabuso sa karapatang pantao ang naranasan ng mga Filipino kabilang na ang aabot sa 3,240 pinaslang at higit sa 75,000 indibidwal mula sa buong bansa na lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao.

Nagwakas ang rehimeng Marcos at Martial Law na tumagal ng 14 na taon sa pamamagitan ng mapayapang EDSA People Power Revolution noong taong 1986 nang magtungo sa EDSA ang mamamayang Pilipino mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay sa pangunguna ng mga Pari, Madre at ilang indibidwal alinsunod na rin sa naging panawagan ng noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa himpilan ng Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 201,647 total views

 201,647 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 231,870 total views

 231,870 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 258,515 total views

 258,515 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 353,488 total views

 353,488 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 361,350 total views

 361,350 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top