Graduates ng Maritime courses, tinutulungan ng CBCP na makapagtrabaho

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,814 total reads

Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na pakikiisa at pagkakaroon ng mga inisyatibo sa pagpapataas sa kalidad ng trabaho at pamumuhay ng mga Filipino Seafarers.

Ito ang mensahe ni Catholic Bishop Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Vice-chairman, Stella Maris Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos at Stella Maris Manila Chaplain Father Paulo Prigol sa paggunita ng National Seafarers and Migrants Sunday.

Ipinaalala naman ni Bishop Santos sa mga Pilipinong Mandaragat at Migrante ang pagtutulungan at iwaksi ang inggit sa kapwa.

Nanawagan naman si Bishop Santos sa mga employers at nangangasiwa sa sektor na higit na pagpapabuti sa kalagayan ng mga migrante at seafarers.

“God is always there to serve us, God is always there to save us, do not grapple and bring down the laborers who worked hard for the food they worked, they should do their job diligently with what ability God has uniquely gifted us, Do not worry about the work of your co-workers that are lazy and doing nothing,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos na ipinadala ng Stella Maris Manila sa Radio Veritas.

Bukod sa pasasalamat ay ipinarating din ni Father Paulo Prigol – Stella Maris – Manila Chaplain at Regional Director of Stella Maris for South East Asia ang mensahe na sa tulong ng mga Seafarers ay naipagpatuloy ang kalakalan ng mga bansa higit noong pandemya.

Tiniyak rin ni Father Prigol ang pagtulong ng Stella Maris sa mga graduate ng Maritime courses na makapagtrabaho.

Kasabay ito ng pagkakaroon ng mga paralegal assistance para sa mga mandaragat na nagkakaroon ng suliranin sa kanilang trabaho at paghuhubog sa mga estudyante upang isabuhay ang mabubuting katangian ng mga Pilipinong mandaragat sa kanilang trabaho.

“No Shipping No Shopping, Thank you seafarers because during pandemic katulad ng mga sinasabi namin sa mga doktor, sa mga nurse ay thank you and why not? Pero perhaps we became more aware with no seafarers, nothing moves in the world because they move 90% of the good in the world so thank you for being a Filipino, thank you for bringing the Faith wherever they go regardless to the religion they belong to, pero lalo na ang mga katoliko,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Father Prigol.

Sa pinakahuling tala ng pamahalaan, aabot sa 400-libo ang bilang ng mga Filipino Seafarers na parehong naglalayag sa domestic at foreign maritime industry na katumbas ng 20% sa bilang nga kabuoang mandaragat sa buong mundo.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 931 total reads

 931 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,586 total reads

 51,586 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,952 total reads

 136,952 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,688 total reads

 183,688 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,559 total reads

 231,559 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,039 total reads

 333,039 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 932 total reads

 932 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top