Makilakbay, makimisyon sa simbahan; panawagan ng obispo sa mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,163 total views

Tuloy-tuloy at walang pinipiling panahon ang pagiging Katoliko.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa ginanp na 4th General Assembly of the Diocesan Council of the Laity of Imus noong September 23.

Ayon sa Obispo, hindi sapat ang pakikibahagi lamang ng bawat Katoliko sa mahahalagang pagdiriwang ng Simbahan sa halip ay dapat na maging masigasig at isabuhay ang pagiging Katoliko maging sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Paliwanag ni Bishop Evangelista, ang pagiging Katoliko ay tuloy-tuloy at walang pinipiling panahon kung saan tinatawagan ng Panginoon ang bawat isa upang sama-samang maglakbay at isulong ang mga misyon at adbokasiya ng simbahan.

“Buhay ang ating mga programa sa Diocese. Sumabay lang kayo. Hindi sapat na may Misa tuwing Linggo, may Karakol tuwing piyesta, o may Simbahang Gabi tuwing malapit na ang Pasko. Ang pagiging Katoliko natin, tuloy-tuloy at walang pinipiling panahon. Ang gusto ng Diyos sa atin, sama-sama tayong naglalakbay.” ang bahagi ng mensahe ni Bishop Evangelista.

Tema ng 4th General Assembly of the Diocesan Council of the Laity of Imus ang “Enabled laity key to a successful Synodal journey” na naglalayong hikayatin ang mga layko na maging aktibong katuwang ng Simbahan sa pagsusulong.

Sa nakalipas na paggunita ng National Laity Week, binigyan diin ang pagbibigay ng Simbahan sa mga layko sa kanilang mahalagang tungkulin at misyon bilang katuwang ng simbahan sa ebanghelisasyon at pagsasakatuparan ng kaligtasan sa sanlibutan.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,829 total views

 48,829 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,698 total views

 44,698 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,900 total views

 80,900 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,581 total views

 89,581 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,762 total views

 114,762 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top