Obispo sa 5-day course for bishop’s ng CaritasPH Academy; Makatutulong sa pagtugon sa pangagailangan ng kawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,698 total reads

Pinuri ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang inisyatibo ng social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa pamamahala sa mga kinasasakupang mananampalataya.

Ayon kay Bishop Dimoc, ang first executive course on Servant Leadership and Pastoral Management for Bishops ng Caritas Philippines Academy ay malaking tulong upang mapaigting ang kamalayan at kaalaman ng mga obispo sa mga usaping dapat tutukan sa bawat diyosesis.

Pagbabahagi ng obispo na kaakibat ng pagpapaigting ng pananampalataya ang higit na pag-unawa sa kalagayan ng mga mananampalataya na nangangailangan ng tulong sa iba’t ibang paraan.

Iginiit ni Bishop Dimoc na hindi lamang kasanayan at kaalaman ng mga obispo ang napagbuti sa five-day executive course, bagkus, ito ri’y pagkakataon upang higit na maipadama sa kapwa ang presensya at pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan.

“So, when we bear witness to our faith and reach out to the needy, then they will also experience the concrete presence of the Lord reaching out to them. So, let us see the presence of the Lord in them so that they may also see in us the presence of the Lord. So, we are being helped by these courses for the bishops in order that we may find ways on how to be more effective in responding to the needs of our own people.” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Si Bishop Dimoc ay kabilang sa unang batch ng mga nakibahagi at nagtapos sa five-day course ng Caritas Philippines Academy kasama sina San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza; Imus, Cavite Bishop Reynaldo Evangelista; Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona; at Iba, Zambales Bishop Bartolome Santos.

Kabilang sa mga tinalakay sa five-day course ang mga layunin ng synodality na ipinaliwanag at ibinahagi nina Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, Luis Antonio Cardinal Tagle; at CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Tinalakay din sa kurso ang climate change, disaster response, wastong pamamahala sa mga kawani ng diyosesis at mga parokya, at ang maayos na pakikipag-ugnayan sa mga mananampalataya.

Ikinagalak naman ni Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr. ang matagumpay na paglulunsad ng mga kurso, at tiniyak na ipagpapatuloy upang mapaigting at makahikayat ng iba pang nagnanais na obispo sa Pilipinas.

“It’s a good start. We have 20 bishops attended so they’re very alive, as we listen to their sharing, the camaraderie that happened for the whole five days. The topics are good, very relevant for them. So, for those who attended the first batch, they hope that there will be a follow-up course, and then another batch to be open for other bishops who will be interested.” pahayag ni Fr. Labiao.

Samantala, ibinahagi rin ng social arm ng CBCP ang Alay Kapwa Expanded Fund Campaign na layong makalikom ng 500-milyong piso o higit pa bilang suporta sa isinusulong na 7 Alay Kapwa Legacy Program.

Ginanap ang five-day course para sa mga obispo sa Caritas Development Center sa Tagaytay City mula noong September 18 hanggang 22, 2023.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,432 total reads

 3,432 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 55,595 total reads

 55,595 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 140,961 total reads

 140,961 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 187,697 total reads

 187,697 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 235,569 total reads

 235,569 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 336,831 total reads

 336,831 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,878 total reads

 169,878 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top